RSS

alamin ang kapalaran ngayong 2012 (horoscope mo ito!). hango sa mga nakita ni willy garte.

23 Dec

aries- sa taong ito ay maraming matutuklasan ang mga Aries.Isa sa matutuklasan mo ay ang paghabi ng abaca na siyang magiging trabaho mo sa Ka-bikolan.May isang taong tutulong sayo para sa iyong pagbabagong buhay at yan si Mr. Bean.

May mga taong makikilala sa social events pero kailangan mo ito iwasan dahil karamihan sa kanila ay mga urban poor at uutaangan ka lang.Ngayong taon na ito ang tamang panahon upang magdesisyon tungkol sa career at hanapbuhay. Ngayon mo matatamo ang inaasahang promosyon sa trabaho pero babawiin din sa iyo ito kinabukasan dahil sa na wrong send lang ang boss mo.

Mahalaga na mag-aral ang Aries ng stress management upang maiwasan ang mga pagtatalo na maaring mauwi sa pisikal na pakikipag-away. Pero bago mag aral ng stress management kailangan mag enroll ka muna sa kahit na anong martial-arts para kung sakaling hindi ka na makapagtimpi eh’ mabilis kang makakapag-flying kick. Mag-aral ka din ng Taichi. Kumain ng Kimchi  at Oishi para mapanatiling malusog ang pangangatawan.

Kung maitatama ang mga nagawang kamalian sa pag-ibig ay huwag mo na lang ituloy, masasaktan at mapapahiya ka lang. Ang dati mong minamahal ay magmumukhang pera at kwa-kwartahan ka lang. Umiibig na lang sa tulad ni Budoy, tiyak ang pag-ibig ay magiging wagas.

Maghahatid ng swerte sa aries ang numerong 8,16,27,29,33,39 ngayong 2012

Taurus- Ang mga Bituin sa kalangitan ay siyang gabay ng Taurus. Umiwas ka lang sa mga manhole baka mahulog sa tuwing titingala. Sa taong ito ay masuwerteng magsisimula sa proyektong may kinalaman ang construction at interior design. Matatangap ka sa trabahong ikakaligaya mo at yan ang pagiging MMDA demolisyon team.

Maging maingat sa pagdating ng mga hindi inaasang trahedya o sakuna. Mag-ingat din sa mga pusa sa inyong bahay madalas kang nanakawan nito ng ulam.Huwag maging padalus-dalus sa mga diskarteng wala sa wisyo baka mapagkamalan kang adik.

Sa first quarter ng taon ay may mahalagang papel na gagampanan ang mga kaibigan at ilang kakilala upang matupad ang iyong mga plano sa buhay. Mag ingat din sa ibang mga kaibigan na may nunal, lalong-lalo na kung lalake ka dahil baka ibenta ka nila sa bakla. Kung babae ka naman iwasang maki-jammin sa mga kaibigan na manipis ang kilay dahil madalas ka nilang hihiraman ng gamit pampaganda.

Sa second quarter ng taon ay magkakaroon ka ng problema sa kalusugan lalo na kung ang edad mo ay 40 pataas. Mainam na umamoy ng gasolina sa tuwing magpapa-full tank. Minsan kailangan mo din ma-high para maging masaya.

Sa panahon din na ito mo makikilala ang mga tunay na kaibigan. Isa na dito si Casper at si Sadaku.

Maayos maisasakatuparan ang natakdang paglalakbay sa taong ito gamit ang bagong tsinelas na Islander.

Maghahatid ng suwerte sa taurus ang mga numerong 5,11,18,25,35 at 37.

Gemini- Maraming sorpresa at pagbabagong mararanasan ang gemini sa taong 2012. Isa na dito ang birthday party na hindi pwedeng matuloy dahil sa walang pupunta.

Isang OFW ang magbibigay ng masuwerteng opportunidad sa hanapbuhay dahil sa ma-dedengoy mo siya.

Ang creative talent kagaya ng pagsusulat ay mailalabas at maghahatid ng tagumpay sa taong ito. Subukan mo mag-vandal sa pader ng mga kapitbahay. Isulat sa pader ang mga naiisip mo na alam mo makakatulong sa pag-unlad ng bayan. Try mo din mag-vandal sa loob ng C.R. ng SM at isulat ang cell number dahil dito mo matatagpuan ang wagas na pag-ibig.

Magiging masigla ang buhay sa buwan ng July. At sa buwan din na ito babalik ang katamlayan sa buhay kaya iwasan ang buwan na ito.

Iwasan ang kalusugan lalo na ang puso at ang almoranas.

Maayos na matutupad ang pinapangarap na paglalakbay kaso lang within the area mo lang.

Maghahatid ng suwerte ang mga numerong 3,9,,13,21,27 at 32

Cancer- Dream come true para sa cancer (kailangan pabor ito sa akin kasi horoscope ko ito! Ang kumontra pangit!).Magiging maayos ang Career. Subukan ang showbiz dahil malamng dito ka nalilinya. Maaliwalas ang taon na ito para mag-invest. Huwag magtangkang pumasok sa illegal na aktibidad sa kagustuhan kumita na malaking halaga dahil baka yumamam ka at makalimot ka na sa iba.

Iwasan ang mga taong pangit dahil ito ang magdudulot sayo ng stress at baka maapektuhan ang iyong bangs. Madalas makakaramdam ng nerbiyos at makatulong ang self-acupuncture gamit ang mga karayom ni nanay. Try mo din ito sa mata,iwasan  lang paduguin.

Sa isang party o event makikilala mo ang inyong magiging katulong na si Inday.

Mahalaga din pag-aralan ang art of listening. Magiging maganda din kung kaya mo ito papasukin sa kabilang tenga at palabasin sa ilong ang lahat ng sinasabi ng kausap mo.Magtiwala sa Diyos. Kailangan ng ma-develop ang relasyon mo sa kanya dahil mukhang naliligaw ka na ng landas.

Maghahatid ng suwerte sa Cancer ang numerong 1,11,21,33,44 at 47

Leo- Tuloy-tuloy at walang balakid ang pagdating ng masusuwerteng pangyayari. May surpise money na makukuha mula sa isang investment. Pero ang masakit nito mahahawakan mo lang ito ng isang oras dahil hindi pala ito sa’yo. Maaring makatangap ng pamana mula sa taong nagmamahal sa iyo pero naka PDC 10 years pa ito.

Maaring makaranas ng chronic disease sa taong ito. May tendensiyang mapabayaan ang personal hygiene na magiging sanhi ng iyong pagka- taong grasa pag hindi maagapan. Huwag hayaan ang sarili na maging abusado sa pag-inom ng alcohol, magsama ka pag-iinom ka!

Ang mga paglalakbay na may kinalaman sa negosyo tulad ng mga promo ng sabon at pamatay peste ay magiging tagumpay na profession.

Maghahatid ng Suwerte ang mga numerong 10, 15,25,35,45 at 47

Virgo- Aapaw ang mga masusuwerteng kaganapan at biyaya ang virgo. Magiging financially secure at mananatiling mapayapa ang tahanan dahil sa madalas walang mag-tiyatyagang kausapin ka dahil sa parating lutang ang diwa mo.

Magiging mabilis ang pagkita ng salapi pero in the form of ma-miso at ma-mera lang. Maganda kung invest mo ang mga kikitaing salapi sa droga at sa mga spakol.

Sikapin maging mahinahon at iwasan ang magalit dahil hindi makakatulong ito sa drug deal mo.

Maghahatid ng suwerte ang mga numerong 7,9,22,36,41 at 43.

Libra- Walang pagbabago ang magaganap. Maging matalino at alamin ang lahat ng bagay. Huwag ka lang parati mag-marunong dahil madami ang maiinis sa iyo. Huwag maging Epal sapagkat ikamamatay ito ng kuko mo sa paa.

Mararanasan mo ang finacial crisis na ultimo pati problema ng ekonomiya ng Pilipinas ay malamang isisi na din sa iyo. Mahaharap ka sa isang komplikadong desisyon na may kinalaman ang U.F.O. at si Jacob ng Twilight.

Ang taong 2012 ang best time para pumasok sa partnership o merger sa negosyo. Mag-ingat ka lang dahil madali kang ma-uto at ma- 123.

sa taong ito ay maari kang maging taksil. Pero sa  pagiging deny to death ang iyong sandata laban sa pagdududa.

maghahatid ng suwerte ang numerong 6,15,24, 34,40 at 41.

Scorpio- Kung ano ang sa Leo yun na din ang sa iyo

Sagiutarrius- Magiging masayang taon ito sa iyo dahil sa sorpresang may kinalaman ang sakahan, pag-bababuyan at pangingisda. Lahat ng bagay na matagal mo ng pinangarap at hinhangad ay ipagdadamot sa iyo ng tadhana pero nanakawin mo ito.

Kontrolin ang paggasta sa pagbili ng mga hindi importanteng bagay upang sa hindi umabot sa kritikal na sitwasyon pananalapi. Huwag mamasyal sa Cultural Center of the Philippines dahil baka hindi mo mapigilan ang pagiging gastador mo ay mabili mo ang Folk Art Theater.

Makakapag-travel ka sa ibang bansa pero baka ma-deport ka ng wala sa oras dahil sa paglabag mo ng No Jaywalking .

May posibilidad na maka-imbento ka ng mga gamit na wala namang silbi sa iba.

Ang mga hiwalay o diborsyado ay hindi kailangan magmadali sa pagpasok sa kung ano mang-relasyon dahil isa sa inyo pera lang ang habol.

Kung sakaling makaranas ng problema sa pag-tulog sa gabi, uminom ng Cobra at iwasan ang pag-inom ng sleeping pills baka makatulog ka na habang buhay

Maghahatid ng suwerte sa Sagittarius ang mga numerong 10, 18,20,48 at 51

 

Capricorn- Ngayon maa-achieve ang lahat ng bagay na wala naman sa plano. Kahanga-hanga ang enerhiya at confidence na ipapamalas ngayong 2012. Ultimo MERALCO ay tatalunin mo sa sobrang energy na pinapakita mo sa mga tao .Mataas ang expectation ng Capricorn sa trabaho, sa sobrang taas baka ma-assign ka sa mga matataas na billboard sa EDSA.

Magtatagumpay na kumbinsihin ang mga taong sumasalungat sa pinaniniwalaan, kaya umasa ka na makakausap mo ang mga lider ng New Peoples Army at hikayatin na sila na bumaba ng bundok.

Dapat iwasan ang pangangarap ng gising o pagpapantasya ng lasing, dahil kung hindi mo ito titigilan mapag-kamalan ka ng isang baliw.

Magkakaroon ng positibong pagbabago pero karamihan nito ay may negatibong resulta.

Maghahatid ng suwerte sa Capricorn ang mga numerong 3,19, 22,26,27 at 41

Aquarius-  Sa mga buwan ng January at April ay mataas ang posibilidad na maganda at profitable ang negosyo o career. Ang  problema lang nangyayari lang ito sa mga panaginip mo tuwing madaling araw.Mananawa ka sa mga dati mong ginagawa kaya susubok ka ng ibang karera sa larangan ng pag-kakambing.

Sa last quarter ng taon ay mararanasan ang maging sentro ng atraksyon. Iwasan ang mg perya at karnabal sa inyong lugar.

Maghahatid ng suwerte sa Aquarius ang mga numerong iniisip niya ngayon.

 

Pisces- Ngayon ang panahon na makisali sa ibang proyekto na involve ang mga masasamang tao.Makakaasa ng tagumpay sa pera ng iba. Maaring paborable at positibo ang epekto ng mga unang buwan ng taon sa halos lahat ng aspeto ng  buhay. Mapapahanga mo ang maraming tao dahil sa mga nagawa mong weird.

Sa unang quarter ng taon ay makakatangap ka ng sulat na bubuksan mo pero hindi naman ito dapat sa iyo. Makakakita ka ng pera at bibili ka ng pantalon..

Magiging romantiko at mapagmahal ka sa taong ito dahil panay ang gastos sa iyo ng jowa mo.

Makadarama ka ng pagseselos at lalakas ang pagiging possesive mo na siyang sisira sayo at mauuwi sa sampalan.

Iwasan ang mga matataong lugar dahil dito ka makakakuha ng sakit na libre pinamimigay.

Maghahatid ng suwerte mga numerong una mong makikita mamayang umaga.

 

 

chow!

 
5 Comments

Posted by on December 23, 2011 in Uncategorized

 

5 responses to “alamin ang kapalaran ngayong 2012 (horoscope mo ito!). hango sa mga nakita ni willy garte.

  1. helbert

    January 1, 2012 at 1:25 pm

    hahaha grbe naman 2.*

     
  2. Mirasol lumongsud

    March 21, 2012 at 10:16 am

    Haha nakakatawa nman ng kpalaran nyo..

     
  3. jeanilyn

    July 5, 2012 at 3:41 pm

    huuuuuu mukhang tma nmn ung kapalaran q,,,

     
  4. jessie

    December 8, 2012 at 2:12 am

    hare nawa!! na magkaroon ng liwanag ang mga nasa pusot isipan mo!!!!!!!!!!!

     
  5. teddy teodoro jr.

    January 7, 2013 at 5:27 am

    totoo ba eto kapalaparan ko!

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 554 other followers

%d bloggers like this: