RSS

I am Janet Lim Napoles. I am the Ultimate Rockstar…

Hi Guys it’s me Janet “the ultimate rockstar”.Sikat na sikat na ako no’. Mas sikat pa ako kay Anne Cortez.  Astig ang popularity ko   dahil sa kinasangkutan kong anomalya sa pondo ng gobyerno mapanoon man o ngayon. Ang galing ng style ko no’ old school, 30% sa akin 70% sa mga buwaya sa gobyerno. Ok na yun maliit man ang mapunta sa akin ayos lang yun kasi milyon-milyon naman ang kitaan dito hindi pang banana-que  lang. Isipin mo simpleng buhay lang kami noon Jollijeep lang negosyo namin pero ngayon kahit bumili ako ng sampung Jollibee  kaya ko. FYI lang! 28 ang mansion ko,  madami akong negosyo na ka-partner ko ang mga anak ng mga kasabwat ko sa kickbakan ko sa PDAF , magagarang sasakyan at sobrang dami kong padrino. Hindi biro ang mga kabatak ko sa gobyerno name it they  know who am I sa buhay nila. Bobo ba kayo tira kayo ng tira sa akin sa internet eh’ anong paki ko hindi ako marunong mag Fesbook at Gooble.

Parati niyo tinitira ang maganda kong anak nag-aaral sa mga magagandang school sa America. Yan si Jeane putcha big time yan sa Amerika nagkakamali kayo ng pam-bubully sa kanya. Kahit 3rd world tong Pilipinas mas gusto niyang mag-aral ng fashion. Kasi Fashion ang buhay niya, anong pakialam niya sa sikmura ng sambayanang Pilipino. Ang importante ang fashion niya ay nasa uso. Nakita mo ba mga kasama ng anak ko, mga artistang sikat yun sa Amerika. Yung nakita niyo sa internet na mga sikat na kasama niya, wala pa yun! Mga amateur lang yun sa mga kakilala niya. Project nila sa school ang makasama ang mga bigatin kaya wala kayong magagawa kundi mainggit. Yung mga binibili niya na mga gamit na mamahalin doon , gago kayo puna kayo ng puna eh’ project niya yun! Ganun sila mag project. Kung ang school project niyo binibili niyo sa National Bookstore, siya sa Louis Vuitton boutique namimili. Isa pa kaya ko  naman gastusan ang anak ko sa mga school project niya.  Yung nagpatiwakal dyan sa U.P. na estudyante , bakit pati yun sinsisi niyo sa akin. Pobre kasi sila . Lahat na lang ng nagyayaring masama ngayon sa Pilipinas, isinisisi niyo sa akin. Ultimo may umutot sa loob ng sinehan ako pa rin. Sorry na lang kayo kasi mahal tuition fee ng anak ko alangan unahin ko pa intindihin yang’ mga dramang yan. Hindi na uso ang konsensya ngayon! Hindi ko mapag-aaaral ng fashion ang anak ko sa pamamagitan ng konsensya lang. Ano ako gumagamit sa Safeguard. Yung sabon ko pang mayaman kaya hindi lumalabas ang konsensya sa tuwing naliligo ako.

Yang mga fertilizer scam at ZTE na yan, natatawa na lang ako diyan. Amateur lang ang tumira diyan. Hindi ko mapag-aaral ang anak ko ng fashion sa piso-piso  lang ang kitaan. Ano ako barker ng jeep. Yang’ Coal- coal ka-letchehang mining ko na yan, front ko lang yan! Asawa ko na kamukha ni Eddie Gil ang may pautot niyan. Para nga naman hindi halata, ano kaming mag asawa tanga walang front. Legal kami no’, legal kami magnegosyo sa kaban ng bayan. Kayo ang negosyo namin!

Natatawa na nga lang ako sa mga hambog na mayayaman dyan nasa Forbes magazine. Dapat ako no.1 dyan humble lang talaga ako.  Lucio Tan, Henry Sy , asan kayo mas sikat ako sa inyo. Mahirap kasi maging showy dito sa bansa natin , ipapako ka sa krus pag sobrang yaman mo. Saka mahirap na kasi pag mayaman ka obligado may foundation ka. Abala lang yan sa pagyaman namin. Dapat dito sa Pinas tahimik ka lang . Silent Killer Billionaire ika nga nila.

Saka bakit  kayo ganyan?  Kung tirahin ninyo anak ko eternally ha’. Pinalaki ko yun ng maayos , hindi gaya niyo mga timawa! Pinalaki kong may taste at class si Jeane. Kayo kaya niyo ba bumili ng isang clutch bag na worth 400,000 php, isang pares ng sapatos na 350,000 php at relos na 1 milyon ang halaga. O ano natahimik ka? Iba kami! Mahirap lang kayo.

Ngayon sinasabi niyo wanted na ako at hinahanap na ako ng NBI. Neck –neck ninyong blue, hindi muna ako lalabas. Manigas kayong lahat. Kahit mag-picnik at tumira pa kayo bukas sa Luneta  Aug. 26. Ako pa din ang wagi. Sabi nila ihaharap na ako sa hukuman. Nyek paano ninyo ko ihaharap eh’ kamukha ko na si Michael Jackson ngayon. Aanhin ko ang dami ng salapi ko kung papakulong  lang ako! Ano ako addict. Matatapos din ang circus na’to dahil hindi din papayag na yang mga Senador, Congressman, Governor, Mayor at sinong Pilato na nakaupo diyan na makaladkad ang pangalan nila sa putikan. O’ siya hihiga muna ako sa salaping   pinag-hirapan ninyong lahat.( Poppin’ Cristal champagne). HAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA… (tawang Romy Diaz)piggy 2

 
Leave a comment

Posted by on August 25, 2013 in Uncategorized

 

Tags: , , , , ,

Dear Ate,

Dear Ate Jeane Napoles,

Kumusta ka na akala mo nalimutan na kita porket naging viral si “elevator girl” at “chito & neri scandal”. Ikaw pa malilimutan ko eh’ ramdam na ramdam kaya kita ngayong tag-lamig. Anong balita sa iyo? What’s in and out in the fashion scene ngayon. Eto lakas ng ulan pa din  dito, diyan ba snow pa din ba? Kaya din pala ako sumulat sa iyo para ipaalam sa’yo nangyayaring delubyo dito sa Pinas.Putcha Ate ang dami nanamang sinasalanta ng bagyo dito sa buong Luzon. Kawawa naman yung mga apektado. Buti ka pa cool na cool sa pag-kaupo mo dyan sa anong tawag dyan limosin ba iyan. Akala ko kasi restaurant sa eroplano, akalain mo kotse pala iyan.

Ate ang liham na ito ay para talaga sa iyo kasi gusto ko lang ipamukha sa’yo ang halaga ng mga sinusunog mo dyan sa States, ito  sana ay malaking tulong sa aking mga kababayan na hinahagupit ngayon ng bagyo.

Nahihiya na kasi ako ate sa mga pinag-popost nila sa internet habang nakikita ko na nagpapakasasa ka at ang gaganda ng mga pinag-bibili mo dyan na mga stateside na gamit. Sarap kasi ng naging buhay mo diyan Ate, unfair ka kaya! . Wala kasi din akong load para tawagan ka and parati ka na lang out of reach.

Buti ka pa Ate, hindi tulad nila  ngayon basang-basa na sa ulan . Ang sarap din kasi manumbat at magsalita ng masasakit sa kagaya mong nag- iisang anak ng Diyos na made in the Philippines. Bukod tangi kang pinagpalang immortal na galing ng Pilipinas. Grabe Ate pakiramdam mo siguro invisible ka na at lutang ka sa aming lahat. Lupet ng mga ka- picturan mo diyan mga big time kasama mo. Tapos sabi nila yang fashion blog mo kailangan updated ka daw sa fashion dahil requirement yata sa school mo ang magpasikat. Bakit magbabayad ka pa ng mahal sa school eh’ di sumali ka na lang sa Showtime kung magpapasikat ka lang din naman. Sarap naman pala mag-aral diyan Ate sana kami din!  Ate balita pa dito all acess ka pa daw sa  mga sikat na gatherings dyan sa Amerika. Buti ka pa samantalang kami SM Malls lang ang kaya namin ma- acess.

Ate alam mo  sana habang nakasakay ka dyan  sa Porsche mo maisipan mo na sana siyang ibenta.  Madami ka kayang matutulungan te’.  Isipin mo katumbas na yan ng  mga rubber boats, tali na heavy duty pang sagip sa mga hindi makatawid, amphibians na kaya puntahan ang hindi kaya abutin ng mga military truck, mga kapote na pwede gamitin ng mga bata para hindi magkasakit, flashlights kapag pinatay ng Meralco ang main, generator para gamitin ng mga tao sa evacuation area at salbabidang pwede isuot sa mga bata,matatanda at ng mga rescuer. Nakakaawa na kasi ate gamit nila yung container ng mineral water na walang laman may maisalba lang. Bumili ka na lang muna ng Vios malakas din naman aircon nun’.

Sana kapag humarap ka sa salamin mamayang gabi maisipan mo din sana na ibenta muna yang mga alahas na suot mo at mga nakatago pa diyan sa drawer mo. Sangla muna natin sa M.Lhuillier tapos wag mo na tubosin.  Ok kung magpa- soup kitchen  tayo sa mga eskwelahan, simbahan at basketball court kung saan madaming bata at may edad ang giniginaw na sa gutom. Bilhan na lang kita ng Uni-Silver para may magamit ka.

Madami pa ate hindi pa tayo tapos . Naalala mo ba yung mga high-end na designer bags and shoes mo na binili mo dyan sa L.A. na nakalagay sa loob ng malaking cabinet mo, benta na lang din natin yan sa Sulito Ayos Dito. Magtira ka na lang ng dalawa o tatlong pares total hindi mo naman kaya isuot yan ng sabay-sabay. Pag may okasyon kang pupuntahan bili na lang tayo sa Natasha o Parisian matibay pa yun Ate mura at gawang marikina pa. Naktulong pa tayo sa mga tao sa Marikina. Ang hilig mo kasi sa mga mahal hindi mo  naman yan madadala sa hukay.

Pagkabenta natin diretso na tayo ng Puregold mag grocery tayo ng hawak kamay. Pakyawin natin lahat ng noodles, delata, gatas, tinapay at lahat ng pagkain na hindi madaling masira. Gusto ng mga bata yung pansit canton na may Krak-krak, damihan natin yun para makapagpasaya tayo ng mga bata sa evacuation. Tapos utusan natin yang mga high-end friends mo na mag repack ng mga relief goods ng may pakinabang naman sila sa mundo at hindi puro kaartehan ang alam.

Balita ko pa ate pumunta pa ang Spandau Ballet sa debut mo noon. Bakit hindi natin sila papuntahin sa Maynila para mag perform pagkatapos ng bagyo at pasayahin ang mga tao sa mga evacuation area para kahit sandali maibsan nila ang pait ng buhay.

Oo nga pala ate ang dami mong mga celebrity friends sa Amerika bakit hindi mo tawagan at sabihan na magdonate dito sa Pilipinas. Di ba close kayo ni Justin Bieber at Justin Timberlake na yan, bakit di mo kausapin at humingi ka ng tulong para sa ating mga kababayan.

Pero Ate arang awa mo na wag mo padadaanin ang pera  na nalikom natin para donation sa bagyo diyan sa mommy mo, ipaderetso na natin sa Sagip Kapamilya para mga kababayan natin ang talagang makinabang. Mahirap na baka may 30% 70% pa na maganap.

Alam mo kapag ginawa mo lahat ng sinabi ko ate, sasaya ang mundo at madami matutuwa sa iyo. O siya mag FB pa ako dito sa Pisonet at makikibalita sa mga kaganapan dito sa Pilipinas. Sana magnilay-nilay ka na at kutkutin yang isipan mo sa mga nangyayari sa amin dito sa Pilipinas. Paalam.

nagmamahal,

ryanthemannapoles 2

 
Leave a comment

Posted by on August 21, 2013 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , , , ,

Jesus Loves Me (Devotional Podcast)

Listen to the devotional about Jesus Loves Me

http://cdn.rbc.org/odb/2013/07/odb-07-08-13.mp3
#Bible http://mydailybible.org/s.php?t=1&h=Jesus+Loves+Me+%28Devotional+Podcast%29+&l=http%3A%2F%2Fcdn.rbc.org%2Fodb%2F2013%2F07%2Fodb-07-08-13.mp3

 
Leave a comment

Posted by on July 13, 2013 in Uncategorized

 

eat, pray, love and laugh

Lahat tayo ay gusto matawa at magpatawa para naman buhay natin ay gumaan paminsan-minsan. Sa mundong puno ng saklap , kapaitan, kasagwaan at kahirapan. Tanging isang malakas na tawa at hagikhikan lang ang sandata para mapawi ang lahat ng ating lumbay. Hindi ba ang sarap pakingan na minsan ay may tatawa na lang sa gitna ng kaguluhan o kawalan.

Bakit ba isang malaking isyu ngayon ang binabato sa mga komedyante natin dito sa Pinas ang isyu kung anong klase ang ipinapakita nilang pagapatawa sa T.V. , music bars, radio , entablado o kahit ano pa mang form of media iyan. Nakakalungkot isipin na sadyang ang iba ay pikon at nag babalat sibuyas kahit makapal naman ang kanilang balat sa katabaan. Para sa akin hindi pa talaga hinog ang Pilipinas sa mga patawang brutal o ang mga patawang may laman (half meant ika nga nila). Hindi ba ang mga host ng mga Late Night Shows sa ibang bansa ay sadyang malupit sa mga patawang may mga pasaring. Pero wala naman napipikon o nagbibigay ng kulay sa mga inaasar nila.Kung papatulan mo at gagawing negative vibes ang lahat. Tiyak makakapatay ka nga naman ng tao. Sana wag naman tayo pikon para panalo ang lahat. The more na napikon ka, the more na masarap ka alaskahin.

Ito po ay katuwaan lamang at hindi isang uri ng pang bubully. Ang pang- bubully ay ginawa para manakit at makainis ng hindi lang isang tao kundi sa karamihan. Kung ikaw ay tinawag kung “matabang baboy” sa isang seryosong patimpalak , okasyon o pagdiriwang na alam ko na bawal ang kalokohan o hindi naayon sa lugar. Ang tawag doon ay pang bubully. Pero kung sinabihan kita na ikaw ay “matabang baboy” sa isang kasiyahan (lalo ng kung ako ang bida sa isang patimpalak o concert) o sa harapan ng mga taong game tumawa’t makisaya. Ang tawag doon ay katuwaan lamang. O’ sa madaling salita “joke joke joke lang po”.

Masanay na tayo dahil wala na tayo sa panahon ng slapstick comedy. Marami ng pumanaw na komedyante at ibigay na natin sa kanila ang panahon nila. Sana Ibigay naman din natin sa mga bagong komedyante ang panahon ngayon. Alam naman ng lahat na iisa lang ang hari at marami pa ang magmamana ng kaliwa at kanang trono niya. Madami din siyang iniwang kawal na handang magpaligaya, magpasaya at magpatawa sa ating lahat. Hindi din tama na pagkatapos ng kasiyahan ay mag dra-dramahan nanaman tayo sa madlang people dahil sa inarte ng isang tao o mangilan ngilan na nakiki amuyong.

Lahat ay nagbabago, lahat ay tumatakbo at lahat ay lumilipas. Hayaan natin ang Komedya ay sumasabay na din sa takbo ng ating teknolohiya. Ang mga tao ngayon ay matatalino, alam nila ang tama’t mali. Kaya pagbigyan na lang natin sila magpatawa, dahil hindi lang din natin nakikita ang ibinibigay nilang kaligayahan sa iba… SMILE…… chowthe king

 
Leave a comment

Posted by on May 29, 2013 in Uncategorized

 

Tags: ,

5 thing i hate/like about this place

things I hate / like about  this place

1. PARENTE – kahit saan ka pumunta “parente ta”. Sa ilalim ng seawall, canal, gitna ng laot ng camotes at sa ilog ng sibugay “parente ta”. Sa taas ng acacia, niyog at lighthouse “parente ta”. Sa municipio, health center, barangay hall, Mercado, sa Kanyon ni Rizal, at ABC basketball court “ Parente ta”. Antipolo, balugo, benolho, cambalading, damulaan, dona maria, mahayag, mahayahay, poblacion, salvacion, san pedro, Sherwood, tabgas, talisayan, tinag-an , lawis to sabang diretso real “peste Parente gihapon ta!”… Gaisano ormoc , at kahit nasa tacloban ka  na “ parenta gihapon ta”… PArente mo buong mundo saan ka pa? Hingan ko kaya lahat ng tig pi-piso milyonaryo na ako, total “parente man ta!”

2. FIESTA- Inasal na baboy main dish at tuba naman ang main event. Lahat pasikat sa mga new outfit na galing pa balikbayan box. Payabangan sa mga high heels na makakasira ng future ni Imelda Marcos. Jeans na mala -Bon Jovi ang fit with todo tack in hanngang tuhod. Mga pera ng mga balikbayan na parang dahon na nagsisihuhulog sa panyo na nilagay ni mam sa gitna ng disco light. Mga kuratchang sinasayaw ng mga katandaan at ang step ay isinunod pa sa lahi ni Lapu-Lapu. Walang kamatayang “touch by touch” at “ Hotel California”. Mga mesang naka reserve at nakalatag para sa mag-kaka batch na sponsor ng pinaka mayaman sa kanila. Mayor na magsasaway sa microphone sa mga naka tsinelas, nakasando, naka brief panty at mahahaba ang  nguso. Mga costume na makukulay para sa sabayang madamihang pagsayaw para kay San Roque. Basketball court, kalsada o palayan ang place to be ng happening. Sayaw ni Bayani na classic at non-stop. Rain or shine tuloy tuloy pa din ang pag  galaw kahil naliligo na ng pawis mapakita ko lang ang moves na ginaya ko sa Showtime. Reyna reynahan ng mga hindi mo maintindihan at bakit siya pa’t wala na bang iba. Beauty Pageant na kahit maganda’t matalino kapag wala kang anda 3rd ka lang. Mga make-up na hunas, face at neck na not in the same color at brush-up ng mga boys na abot hanggang batok na sintigas ng epoxy na tuyo. Minsan mananakot na may hilo-an na gumagana. Kakain sa sampung bahay sa loob ng limang oras sa umaga tapos isusuka sa gabi dala ng kalasingan. Parada ng mga taong  naka barong pero naka rubber shoes . Lasing, sabog, wasak, asuray-suray at orat palakad lakad sa hi-way dahil lwala ng masakyan. Hindi baleng na walang makain buong taon basta makapaghanda lang sa araw ni Senior Santiago. And the rest is history and next year na lang ulit!

3. CHISMIS- si ganito at si ganyan nag asawa ng alien na galing Jupiter kaya mansion na ang bahay. Ang mga anak ang puputi lima nga lang ang kamay. Parang united colors of benetton na ang mga bata na naglalaro sa kalsada. May pera na sila kasi seaman o nurse  sa ibang bansa si manoy & manang kaya hambugero na jud sila. Si girl uyab na sad sila, nagbuwag then nagka-uyab sa lain. Backstabbing sa likod, sa gilid at sa sakong at kung mamalasin front stabbing na din ang drama. Ang kati-kati na ng dila ko kasi wala na tayo mapagkaabalahan bukod sa TV patrol. Welcome to PEP Portal and Yes magazine Albuera Style.

4. FRIENDSHIP- ika nga ng patalastas ng San Miguel “ iba ang may pinagsamahan”. Sa isang container ng Tuba meron din namang usapang isinasambit  “ iba na ang may amoy tae na katabi basta sama-sama”. Kahit magkakaiba na tayo ng amoy basta ang kwetuhan ay happy, why not coconut! Samahan mo pa  ng videoke at kakantahan natin ang buong kalibutan. Mamaya naman pag may amats na sayawan na sa jugjug ni max surban . Mas makapal ang samahan kung ikaw ay ka-batch sa ANSOF, DGBZMSF, Private at Elementary. Pag dayo ka ang basehan ng samahan ay ang kapal ng iyong pitaka at bulsa. Die hard kung die hard. Pero saan ba aabot ang twenty pesos mo?

5. THE PLACE – Makita lang si Senior Santiago na hindi bumaba sa kabayo, ok na ang lahat..Ang twin hearts sa gitna ng plaza na hindi makuhang maghiwalay. Seawall na giniba at inayos na lang ng panahon na may vandal mo noong unang panahon na nakasulat  ”  JUNIOR WAS HIRE, I LOVE MITALLICA.. 5-23-98 ” na wrong spelling ka pa kasi binisaya mo gusto ma-express ang saya mo. Seafoods.. Seafoods  na pinamimigay lang. Malas mo kung Mungaw ang na iabot sa iyo kasi ultimo pusa ayaw na kumain nito. Fresh water na libre na may water refilling station sa bawat kanto ng lugar na ready to drink. San damukal na humps. Pot-pot na feeling mo pinaparusahan mo yung driver sa bigat mo. Sa tuwing sakay ka nito ikaw ang reyna na inglatera na namamasayl sa Real. sunburn! Waiting shed na ginawa na nating tambayan habang nagbibilang ng EC na dumaraan. C.R mo ang buong mundo kapag ikaw ay nakainom. pwede mag shot kahit saan at kailan. Simbahan lang ang exempted. Mga beach na puro pang-hilod na bato imbes na white sand. At ang huli ay Makita mo ang mga mahal mo sa buhay na sasalubong sa iyong pagbabalik. Pasalubong ha! and also I forgot The Christmas Season was also among the best scene in Albuera  .  Why, may competition ng christmas lights. Ang sino mang makita ang liwanag sa Cebu.lami!

chow!

 
Leave a comment

Posted by on May 29, 2013 in Uncategorized

 

Tags: ,

things I hate / like about Albuera Leyte
1. PARENTE – kahit saan ka pumunta “parente ta”. Sa ilalim ng seawall, canal, gitna ng laot ng camotes sea at sa ilog ng sibugay “parente ta”. Sa taas ng acacia at pump sa ANSOF, private, elementary “parente ta”. Sa municipio, health center, barangay hall, Mercado, sa Kanyon ni Rizal, at ABC basketball court “ Parente ta”. Antipolo, balugo, benolho, cambalading, damulaan, dona maria, mahayag, mahayahay, poblacion, salvacion, san pedro, Sherwood, tabgas, talisayan, tinag-an , lawis to sabang diretso real “peste Parente gihapon ta”… Gaisano ormoc , at kahit nasa ormoc ka na “ parenta gihapon ta”… PArente mo buong mundo saan ka pa?
2. FIESTA- Inasal na baboy main dish at tuba naman ang main event. Lahat pasikat sa mga bagong kasuotan. Payabangan sa mga high heels na makakasira ng kuko ng agila. Jeans na mala -Bon Jovi ang fit with todo tack in hanngang tuhod. Mga pera ng mga balikbayan na parang dahon na nagsisihuhulog sa panyo na nilagay ni mam sa gitna ng disco light. Mga kuratchang sinasayaw ng mga katandaan at mga bisitang dayuhan. Walang kamatayang “touch by touch” at “ Hotel California”. Mga mesang naka reserve para sa mag-kaka batch. Mayor na magsasaway sa mic sa mga naka tsinelas, nakasando at mahahaba ang nguso. Mga costume na makukulay para sa sabayang madamihang pagsayaw para kay San Roque. Basketball court o lupang literal ang party place to be. Sayaw ni Bayani na classic at non-stop. Rain or shine tuloy tuloy pa din ang galaw. Reyna reynahan ng mga laos na at pinaglipasan na ng panahon. Money contest na beauty pageant. Mga make-up na hunas, face at neck na not in the same color at brush-up ng mga boys na abot hanggang batok. Minsan mananakot na may hilo-an. Kakain sa sampung bahay sa loob ng limang oras. Parada ng mga naka barong pero naka basketball shoes. Lasing, sabog, wasak at pagkakalat. Hindi bale na walang makain buong taon basta makapaghanda lang sa araw ni Senior Santiago. And the rest is history and next year na lang ulit!
3. CHISMIS- si ganito at si ganyan nag asawa ng alien na galing Jupiter kaya mansion na ang bahay. Ang mga anak ang puputi lima nga lang ang kamay. May pera na sila kasi seaman o na sa ibang bansa ang anak kaya hambugero na siya. Si girl uyab na sad sila, nagbuwag then nagka-uyab sa lain. Backstabbing sa likod, sa gilid at sa sakong. Ang kati-kati na ng sila ko kasi wala na tayo mapagkaabalahan bukod sa TV patrol. Welcome to PEP Portal and Yes magazine Albuera Style.
4. FRIENDSHIP- ika nga ng patalastas ng San Miguel “ iba ang may pinagsamahan”. Sa isang container ng Tuba meron din namang sinasabi “ iba ang may amoy tae na katabi”. Kahit magkakaiba na tayo ng amoy basta sama-sama. May videoke lang ok na. Mamaya naman pag may amats na sayawan na sa jugjug ni max surban . Mas makapal ang samahan kung ikaw ay ka-batch sa ANSOF, DGBZMSF, Private at Elementary. Pag dayo ka ang basehan ng samahan ay ang kapal ng iyong pitaka. Die hard kung die hard. Pero saan ba aabot ang twenty pesos mo?
5. THE PLACE ITSELF- Makita lang si Senior Santiago na hindi bumaba sa kabayo, happy ka na.Ang twin hearts sa gitna ng plaza na hindi makuhang maghiwalay. Seawall na giniba at inayos na lang ng panahon. Ang mga seafoods na pinamimigay lang. Fresh water na libre. San damukal na hump. Pot-pot na feeling mo pinaparusahan mo yung driver sa bigat mo. Kapag nakasakay ka sa pot-pot feeling mo ikaw ang reyna ng Albuera na pinaparada sa madla, sunburn! Waiting shed na ginawa na nating tambayan habang nagbibilang ng EC na knees to knees ang tapatan. C.R mo ang buong mundo kapag ikaw ay nakainom. pwede mag shot kahit saan at kailan. Simbahan lang ang exemption. Mga beach na puro pang-hilod na bato imbes na white sand. At ang huli ay Makita mo ang mga mahal mo sa buhay na sasalubong sa iyong pagbabalik. Chow!

 
Leave a comment

Posted by on May 29, 2013 in Uncategorized

 

kating -kati at di mapakali..

Love song NYAHHH. Hindi no!  Wala lang, naisipan ko lang gumawa ulit ng kwentong puro wawa na wala naman kwenta. It’s been a long time since nahawakan ko ulit tong laptop ko. Nasa iyo kung kaya mo lunukin o iluwa ang lahat ng sasabihin ko. Kakatapos lang ng election pero ang dami pa ding throwback Thursday ang drama ng peg nila. Madami pa din ang hindi makapag move on. Marami pa din ang bitter pa sa beer at ampalaya na inulam ko kanina. Kanya-kanyang opinion, samu’t saring ngak-ngakan at matinding pakapalan ng panga pa rin ang mga kaganapan .  Pero wala naman tayong magagawa , touch move na ng mga PCOS machine ang resulta ng halalan.

Matagal-tagal na akong nawala sa lugar  to’ kaya itago natin ang lugar na to’  sa pangalang  ALBUERA . Dito sa ALBUERA  nabinyagan ang aking virginity sa pag-boto. Dito ako naging first time voter, please note dehins pa automated noon . Naki-gulo at sumabak na din ang pamilya namin sa politika. Two words lang ang napala namin, nga-nga! We wasted money, time and effort. Isama mo pa yung mga na wasted na friendship and relationship of the people around us. Yung mga taong malapit sayo lumayo. Yung hindi  naman malapit at kakilala nag feeling close naman. Sayang at nagkalamat ang lahat. Kaya sa tuwing magkikita kayo, nakaka- ilangan na sa isa’t-isa na kala mo may ketong kayo sa mukha. Eh’ kung di ba naman kami mga ulol noon at kailangan pa namin mag labasan ng baho na ngyon may pagsisi sa bawat isa .   Our family learned a lot and tasted our own medicine as in natikman namin  mapakla. Ganon katindi ang supalpal sa amin. Para kami binanga ni O’neil na iki-no crossline pa ni Hulk Hogan sabay summersault.  Masakit. Sobra, na para bang gusto mo pumunta sa gitna ng plaza, umakyat sa stage at ipagsigawan sa buong sambayanang ALBUERA na “ Pu#@ I*% nyong lahat! mga wala kayong kwentang tao mga mukha kayong  pe….!!”. Buti na lang hindi ko ginawa kahit sumagad na ako sa Tuba at Pepsi noong araw na yun. Salamat sa kilaw at towa at nahimasmasan kami. Kaya sa Mercado sa seawall na lang kami naglabas ng sama ng loob. Sa pamamagitan ng pagbabawas ng dumi sa katawan,trippings lang. Doon kami nag extend ng inom . Naku buti na lang talaga at wala akong ginawang bad kung hindi sinumpa at binalatan  na ako ng buhay ng mga tao sa ALBUERA. Baka taga Camotes na ako ngayon. Masaya naman kasi kusa na lang naghilom lahat ng sugat na para bang utot na sa umpisa may katindihan ang baho na kailangan mo tiising amuyin pero unti-unti naman siyang nawawala sa kalawakan.

Wag kayo magalit sa akin PEACE tayo ha’ . Isipin mo na lang mag-sho- shotgun lang tayo ng weeds. Sa totoo lang tayo. ok

Ang sarap no’, ang sarap mag share ng saloobin lalo na kung kakilala mo ang halos lahat ng involve sa teleseryeng tawagin na nating “ Ina, Kapatid, Anak and The rest of our Silingan”.   Ang sarap din  magbatuhan ng opinion sa FB, twitter, social media at kuro-kuro tapos magtatago  tayo sa mga alias para atleast parang superhero na may mascara, makabagong makapili ang peg. Tapos may papatol, 150 comments 78 likes. ASTIG! Trending to te’. Speaking of Alias sana magkaroon din ako alias. Ang gusto kong alias “Boy Bawang”, galing no’ tapos mag post ako ng maiinis kayong lahat. Saklap nito wala kayong magagawa kundi sumakit na lang ang dibdib kasi hindi niyo ako kilala. Ang sarap siguro mang-asar, isipin mo mag co-comment kayo “ hoy @boy bawang ikaw blah..blahh.blahh… kinsa man ka , kasabot ka blah..blah..blahh”. Di ba astig parang gago lang kaaway mo chichirya. Seryoso naba kamo?  If you got balls wala dapat alias para very competitive ang arrived. Kung ang isang tao madaming sinasabi laban sa ibang tao, show your face. Dapat atapang na tao. ME, MYSELF AND I against the world.

Naaaaaaaa! Wala pa tayo sa mundo , ngi hindi ka pa siguro ginagawa ng taytay at nanay mo, ganyan na ang politika sa ALBUERA. Nakakapraning!   BAkit ba parang teleserye eh’ putcha naman saan ka ba nakakita na magkakaibigan imbes na ang pinag-awayan eh’ sinulot ang uyab eh’ politika ang ugat. Kapamilya, kapuso, katropa, kamag-anak, kapatid, ka-tubaan at kung ano ano ang may KA sa unahan ay nagkakagalit dahil sa isang dahilan…. Resulta na niluwa ng PCOS machine.

Hindi na tayo nasanay at natuto. PANAHON lang ang hihilom sa lahat ng sama ng loob natin.

Pu$%@Ng I%@ mo ryantheman ang  O.A. mo para kang bakla!”. Yan siguro sinisigaw ng butas ng pwet mo ngayon. Sa totoo lang dapat nga  hindi na ako makisali sa usapan dyan sa ALBUERA na yan. Pero i so love it! Para syang French fries sa Mcdo na isasaw mo sa sundae, so abnormal pero ng sarap! Pakialamero kasi ako,may lahing taga ALBUERA AKO kaya pakialamero! Reading post or comments regarding topics in election in ALBUERA parang Tropical hut, sarap balik-balikan!  So Yummy na parang sarap sambitin mala-buyoy na CoCo Martin! I feel so connected na para bang may  satellite ng Cignal na nakakabit sa pwet ko na excited sa High Definition na tsismisan . Kahit ang mga comment at post ay  binisaya na sobrang lalim na feeling ko sa panahon pa ni  LAPU-LAPU itinaga o isinambit ang usapan . Carry-on pa din wa pakels!  Kakambal na yata ng lugar na ito ang tsismisan at libakan na parang pati ako ay nahawa na. Contagious  kumbaga. Kaya halos lahat tayo, kahit na nasa ibang lupalop at sulok na ng mundo ay tuloy pa din ang kamutan ng makakating dila. Duda ko nag-pa seminar at naga-sponsor na ang nag inbento ng Facebook sa lahat ng newsmaker dyan sa Albuera. So digital! Kaya tuloy kaming mga  nasa ibang planeta  ay so updated pa din sa mga balita. Malayo man ay lalapit din. Kahit so sick na ara bang kanta ni ne-yo.

Pero SUCK politics! Lilipas din yan. Masasaktan tayo ngayon oo, pero bukas makalawa wala na po yan. Bati-bati na ulit yan. The beauty of ALBUERANOS We are so Showbiz. We have a slice Gretchen Barettos’ and Boy Abundas’ attitude in ourselves. O gawin nating sosyal reklamo ka sa mukha ni Boy . We have a slice of Brad and Angelina. Happy?  Kahit alam natin na siya ang No.1 backstabber mo, smile and chika chika pa din parang wala lang. Civil pa din tayo. We are all “PARENTES” ika nga nila. Rich ka 10x Parente Gyud ta’,  if poor ka layo na ta’ kaayo na parente Bai!  Well actually para to cool down the tension at sumaya naman tayong lahat.  Mag throwback Thursday na lang tayo. Total puro na tayo bitterness. May tanong ako sa lahat…

Ano nga ba meron sa ALBUERA  bakit addict na adik ang lahat dito.

AbANGAN…. chow!

wala lang nilagay ko lang ..nagpapatawa kasi sila.

wala lang nilagay ko lang ..nagpapatawa kasi sila.

 
Leave a comment

Posted by on May 24, 2013 in Uncategorized