RSS

Ang Basketball ay nasa Isang Bilog at Lapad…

11 Jun

Wala ng gagaling pa sa Ginebra noong panahon na si Jawo pa ang Playing Coach nila. Sino ang makakalimot sa “do or die” attitude ng kuponan na’to. Saan ka makaka-kita na team na may Coach na Player pa.  Walang-wala and PBA ngayon sa PBA noon. Noon walang paki-alam sa porma ang importante maka-shot at pumatay ng kalaban,in short deadma ang looks mahalaga manalo . Ngayon ang mga player hindi lalabas sa locker rooms nila na hindi naka wax or naka-gel ang buhok. Pero bago mapunta ang usapan kung saan pa man. Eto ang mga Ginenra Players na hinding-hindi ko malilimutan.

ROMULO MAMARIL- tatay ni Billy Mamaril. Ang tawag sa kanya ni Jawo is “mama”. “mama this is you mama you are here” payat na sentro. Kung ang NBA ay may Robert Paris ang PBA ay may R. Mamaril. Depensa ang kanyang expertise.

 

RUDY DISTRITO- aka. The Destroyer. Kung sa tingin niyo ay scientific ang depensa ngayon. Walang-wala yan sa style ni Rudy Distrito noon. Kung nagkatagpo lang si Dennis Rodman at si R. Distrito noon tiyak first time magkakaroon ng literal na krimen live via satellite sa loob ng hardcourt. Check niyo pa ang free throw ritual, parang kinder na nag si-sit down sit down your rocking the boat. At take note pag nakipag-away siya sa hardcourt at nakikipagsagutan Ilonggo accent ang maririnig mong ‘Put@$% I!@”.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

DONDON AMPALAYO- the MAGIC MAN. Madalas ma injure. Kaya hindi nakapagtataka close sila ni pareng Samboy niya. Masarap sana panoorin kaso lapitin ng injury. Pero kung walang injury makikitaan mo siya ng never-say die attitude. Pero ang isang hindi ko makakalimutan kay Don ay ang pelikulang Wooly Booly kung saan andun siya kasama si Jimmy Santos.

 

 

 

REY CUENCO- banko lang dati si Rey sa Shell hanggang sa kinuha siya ng kampo ni Jawo sa ANEJO RUM 65. Kung naalala niyo ang ANEJO sila yung nag-walk out noon after nakipagpatayan si Romy de la Rosa. Sa ANEJO umusbong ang career ni Rey na pinagsisihan ng Shell kung bakit nila binagko noon ang isang natatagong galling. Naging part pa siya na Asian Games na nanalo ng silver medal na ang coach ay si JAWO.

LEO ISAAC- pag nag free-throw akala mo naglolokohan lang kayo. Modified HADOUKEN ni RYU ang tira ni Leo. Isa siya sa may dala ng X-ray result ng kanyang braso sa senate inquiry. Kagagawan daw ito ni Arnie Tuadles. Hindi ko din maalala kung bakit nakarating ito sa senado pero ang alam ko pinatulan ng mga senator ang pag walk out ng ANEJO RUN este RHUM noon.

DANTE GONZALGO- kung si Yoyoy Villamin ang “Bicolano Superman. Siya naman ang “Bikol Express” . Iba kasi siya maglaro noon hindi mo alam kung dahil mabilis niya mag drive o magulang siya.

LOYZAGA BROTHERS- JONAS brother ng hardcourt noon. Lapitin ng chicks dahil sa matipuno at gwapong pangangatawan. Kung si James Yap ay may Kris. Si joey naman noon ay may Gretchen. Sa kanilang dalawa takot noon si Janno Gibbs( Bing Loyzaga) at si Cesar Montano (Teresa Loyzaga). Wala akong ibang maalala kundi ang showbiz connection nila.

WILMER ONG- siya ang Pacquiao version na naglaro ng basketball. Pag ikaw ang na-chop ng kamay nito tiyak putol.isa si Johnny A. sa uminda sa lupit ng chop ni Wilmer noon. Sa tuwing naka zoom ang camera sa kanya, wala kang makikitang kasiyahan.Parang pinagkaitan siya noong bata at na divert lang niya ang kalungkutan at galit sa paglalaro ng basketball. Never mong nakitang tumawa kabaliktaran ni BENNY CHENG na parati naka-ngisi sa hardcourt. Wala kang maalala sa kanya na minsang nagging Masaya siya sa ginagawa niya. As Andy Jao aptly said “ tingnan mo si Wilmer siya na nakasakit , siya pa ang galit” Noong humihina na si Distrito sa kanya yata pinamana nito ang kapangyarihan ng pananakit at mga dirty tactic sa basketball.

 

 

 

 

 

PIDO JARENCIO- Siya ang isa sa mga magagaling na artista este player ni JAWO. Maliit pero deadly. Dramatic actor kapag nakanti tiyak tatawag ang Ref ng Offensive Foul. Akala mo kapatid siya ni Ronnie Magsanoc at ni allan k pero hindi. Magaling na gwardia at mag three points.

NOLI LOCSIN- aka. THE TANK. Saan ka ba nakakitang baboy na lumilipad. Kahit import nagugulat sa pinag-gagawa nitong si NOLI sa ere. Siya yung tipong tambay na malakas kumain ng extra rice pero pag naglaro sa kanto kahit nakaluwa na ang tiyan e magaling pa din mag basketball.

BAL DAVID- aka. THE FLASH. Sa kanya ko natutunan ang maliit ay nakakapuwing. Sobrang bilis magbaba ng bola. Hayop sa pasikot-sikot na para bang motorsiklo sa gitna ng traffic sa C-5. Kung si Malone ay may Stackton. Si MARLOU AQUINO ay may BAL DAVID.

MARLOU AQUINO- aka THE SKYCRAPER. Kung ang America ay may JABAR tayo naman ay may AQUINO. Gayang gaya niya ang style ni Jabar. Nagsuot na din siya ng goggles dahil Malabo na din ang mata niya. Sa sobrang tangkad niya nauuntog na siya sa board. Kailangan sa free-throw iikotin niya ang bola sa bewang sabay shoot . Pag pinagsama sila ni EJ FEIHL sa loob e para kang  nakatayo sa dalawang poste ng meralco. Binansagan din silang dalawa na Twin Towers.

SONNY CABATU- di mo alam kung nagpapatawa o naglalaro. Kapag nasa loob siya ng hardcourt gumagaling ang kakampi niya maglaro at nawawalan ng morale ang mga kalaban nila dahil na kay Sonny nag-che cheer ang buong crowd ng Araneta. 

 

 

 

 

 

DODOT JAWORSKI- sino ang hindi makakalimot sa kanya. Hindi mo siya pwede kanitiin sa hardcourt at tiyak magagalit si JAWO. Sa oras na nasasaktan si DODOT pinapasok ni JAWO ang kanyang mga malulupit at deadly na players, tiyak may dugo na aagos sa court. Ang basketball kay DODOT ay isang Palakasan… Palakasan ng kapit sa tatay. Di bale ng bangko sikat naman. Pinapasok lang siya ni daddy Jawo kapag lamang na sila sa kalaban.

 

 

JAYVEE GAYOSO- Regal Films at ang PBA ay pawAng iisa . Si mother Lily at Jawo lang ang sinusunod sa lahat ng bagay sa buhay.

 

 

 

 

 

 

 

VINCE HIZON-aka “The Prince” pogi! Gwapo! tisoy! Pinakamagandang nilalang na ginawa ng diyos para sa Ginebra. Syota ni DODOT sabi daw ng ka-clasmate ko noong high school( tsismis noon).

ROBERT SONNY JAWORSKI-  aka “Big J”. “The Living Legend”. description… You know!

 
Leave a comment

Posted by on June 11, 2011 in Uncategorized

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: