Bakit sa tuwing pinag-uusapan ang dekada wala halos bumabangit ng Dekada Nobenta. Si Nanay, Tatay, Lolo at Lola may Dekada 60. Si Lualhati Bautista may Dekada 70. Si Tito , Tita, Ate at Kuya may Dekada 80. Sa atin naman , syempre Dekada 90! Simulan natin sa pinakasimula ng Dekada. Unang bagsak pa lang ng taon ng Dekada yumanig na kaagad ang mundo natin. Isang malupit na lindol ang tumama sa Pinas noon. Hudyat na ata nito na ang papasok na dekada ay kakaiba sa lahat.
Sa Dekada din na’to nalaman ko na ang lahar ay hindi snow. Tuwang-tuwa pa tayo noon dahil para tayong nasa isang Fairytale. Pero ang loob ng ilong natin ay may namumuo na palang palayok. Madami ding cartoons noon, kung ngayon mayabang sila sa anime! Tayo din! May panama ba sila sa BATIBOT, TEENAGE MUTANT NINJA TURTLE
,XMEN
, VISIONARIES AT EH KASI BATA
etc..
Iba ang soundtrack ng buhay ko noon, maaga ako naging metal dahil sa SMOKEY MOUNTAIN. Natuto akong mag-recycle ng damit dahil sa kanila. Ipokritong tao ang hindi makaalala kala GENEVA CRUZ
,JAMES CORONEL
, TONY LAMBINO
, at JEFFREY HIDALGO
.Minsan tayo nakatulog sa PARAISO nila. Gusto din natin magkaroon ng BETTER WORLD
. Nagtanong ka din kung KAILAN ka kaya mapapansin ng crush mo. Dahil minsan tinanong mo na din ang sarili kung CAN THIS BE LOVE
ba or crush lang? Kaya humiga ka sa balikat ni MAMA mo. Pero kay bilis din nilang nawala, pinalitan sila ng second batch ang naiwan na lang ay si JAMES at sumama sa kanya si JAYSON ANGANGAN
, CHEDI VERGARA
, AT SHAR SANTOS
. Inindayog din tayo sa torotot ng HIDEWAY, sa reggae ng DA COCONUT NUT, na KAHIT HABANG BUHAY mo na siyang pakinggan ok lang. 1993 naglabas ulit sila ng album pero ang naalala ko lang ang love song na I BELIEVE IN YOU . 1994 nawala na si JAMES at yung tatlo na lang ang natira pero nagkaroon pa din sila ng isa pang album at eto yata ang pinaka last album nila ang DEATH PENALTY. Ang tanging iniwan nilang last song syndrome sa akin ay ang IKAW LANG and LEAVE ME FOREVER. Kumpleto ko ang album nila mula noong umpisa hanggang sa katapusan ang siste nawawala na lahat ng cassette tapes ko. Ultimo HAIRSTYLE ni JAMES CORONEL ay gayang-gaya ko pa hanggang ngayon. Sana magkaroon sila ng Reunion concert
gaya ng EHEADS.Speaking of EHEADS
isa din sila sa nag paikot ng mundo natin noon isama mo na ang COLOR IT RED
, YANO, WOLFGANG
, THE YOUTH
, PAROKYA NI EDGAR
, RIVERMAYA,ORIENT PEARL, RIZAL UNDERGROUND, TRUEFAITH
, TEETH, ALAMID, TRIBAL FISH,PHIL. VIOLATOR
, GRIN DEPARTMENT
,SIAKOL,
TROPICAL DEPRESSION, AFTER IMAGE AT SI FRANCIS M (EVIL STEP SISTER, DJ KIMOSAVE HARWRE SYNDROME).. Umuwi tayo bago mag 4.30 dahil ANG TV na!
.May tanong lang ako. Sino ba nag- pauso ng DOC MARTENS
sa Pinas, eh sino pa ba e di ang UNIVERSAL MOTION DANCER
Brian Furlow, Salas Brothers,Wowie De Guzman,Gerard Faisan,Marco McKinley (sinapak ni RoBin Padilla),Norman Santos at Gerry Oliva.Hayop na MACARENA, ANGELINA,SHINE, I SAW THE SIGN AT ALWAYS na natuto kang sumayaw at mag RUNNING MAN na pinauso pa ni MC HAMMER. Isa sa mga dahilan kung bakit nahilig ako sa banda eh’ dahil sa meron kaming kapitbahay na sikat! Akalain mo kapitbahay pa namin noon si PACO ARESPACHOCHAGA ng INTROVOYS
. Una kong napakingan ang LINE TO HEAVEN sa kanto namin habang naglalaro ako ng basketball AT TAKE NOTE LIVE nilang jina-jam to’ mga tsong. Katapat kasi ng bahay ni PACO ang basketball court sa kalsada namin noon kaya habang nag lelay-up ako kumakanta si JOnathan ng “DI NA KO AASA PA” sabay shot. “Hindi ko din alam kung saan ba ako papanig HIP-HOP ba o METAL. Mahilig akong kumanta at sumayaw kaya mas gusto ko na lang makinig ng MASTAPLANN
dahil ‘I want to bring that booty here!”. Pero trip ko din mag guitara ng D-A-G-A na chords, madami siyang kanta na nagagawa kasi eh’. ANDREW E. o MICHAEL V. LADY DIANNE o VICTORIA. Boyband at girl band, walang-wala sa dekada 90 ACE OF BASE, , TLC,BACKSTREET, N SYNC,SAVAGE GARDEN, MOFFATS,GIL, S CLUB 7AI, HUMAN NATURE, KRIS KROSS , SPICE GIRLS at TAKE THAT. Kung gusto mo mamasyal dahil uso ang BROWN OUT noon,` isa lang ang pinaka malupit na tambayan sa Q,C. ang ALI-MALL at FARMERS. Sa PASIG MEGAMALL AT MANUELA, Sa MANDALUYONG ROBINSON GALLERIA at na napabalita pa na may ahas pa sa dressing rooms. Sa MAKATI ang QUAD. Nakakabaliw din pumunta sa FIESTA CARNIVAL at maglaro ng arcade lalong-lalo na ang STREET FIGHTER. Trip mo din ang STAR CITY , PAYANIG SA PASIG,AT BOOM NA BOOM. First time mong makasakay ng FX. Pag Naka FX ka sosyal ka na noon. Pag nasa bahay ka libangan mo ang BRICK GAME
na may 999 games na feature at GAME AND WATCH
na nilalako at pinapaupahan ni manong kasama ng bibe na may ibat-ibang kulay.Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod..Hindi ka “in” pag wla kang pencil case na marameng pindutan at marameng lalagyan ng lapis at kung ano ano pa at SPADRIL
.Walang teenager noon na walang TROLL
na may iba’t ibang damit, FIDO DIDO
na abobot at, POPSWATCH (peke o hindi)
, Cap na BOY LONDON na binili mo pa sa GIFT GATE( i like you!) at CINDERELLA.Malamang Bag mo GIORDANO, UNITED COLORS OF BENETTON AT BOBCAT pag mahirap ka cardboard paper na tinupi sa gitna at nilagyan ng sintas sa gilid na may mga WRESTLING o MARVELS CARD NA NAKADIKIT. MAY BASEBALL CAP
Ka YUNG PLASTIC na parang line man ng meralco at RAIDER
na sombrero na may walong tahi sa visor na malamang mahahablot lang din kinabukasan. Pag bumibili ka ng regalo sa girlfriend at boyfriend mo gusto mo ang balot BLUE MAGIC
.Malapit ang PEPSI COLA plant sa amin kaya parang may people power sa Aurora BLVD. noon dahil sa 349 malamang isa ka din sa nag-collect ng tanzan noon para yumaman kayo.Kung si nanay nahihibang kay THALIA sa channel 9
, EAT BULAGA AT SANG LINGGO NAPO SILA. Si tatay sa HOME ALONG DA RILES at PBA lalong –lalo na sa GORDON GIN dahil Kay JAWO. Si Ate at Kuya sa BEVERLY HILLS 90210
at TAKESHI CASTLE
., ikaw naman ay nagkukulong ka sa kwarto mo at nakiking ng RADYO palipat lipat ka lang ng istasyon 97.1 WLS(TRIGGERMAN)
, NU 107, RX 93.1 (CHICO AND DELAMAR)
, at LA 105.9
. Ang DISCMAN mo ay tumatalon sa tuwing nagagalaw mo’to so dapat steady lang habang nakikinig. Nanood ka ng porno sa VHS niyo at kung sosyal ka meron kayong LASER DISC noon na ang bala ay kasing laki ng plaka na baliktaran pa. Lumalabas ka lang ng kwarto pag pinapatalastas na ang SABADO NIGHT ni INA RAYMUNDO
.Nabaliw ang buong kabaklaan sa MISS UNIVERSE na ginanap sa Pinas, si OGIE ALCASID pa ang nag host ng pageant at dito sila nagkakilala ni Ms. AUSTRALIA. Tayo namAng mga kalalakihan ay baliw na baliw kay MS. BELGIUM
.Minsan ayaw mo ng lumabas ng bahay dahil nagkalat daw ang nag-iinject ng AIDS at naglalagay ng dugong may AIDS sa dispenser ng ketsup sa JOLIBEE.ZAGU na ang pinaka sosy na inumin dahil wala pang Starbucks noon. Napapamura ka ng PU%$#g INA sa loveteam nila JUDY ANN AT RICO YAN. Samahan pa ng TGIS at GIMIK
na front cover pa ng notebook mo. Nabuang din tayo kay eds at badong sa TABING ILOG. Napagkamalan mo din na ang ENCHANTED KINGDOM ay Disneyland. tawang- tawa tayo kakabaasa ng FUNNY KOMIKS at ng MARVELS/DC, ARCHIE na binili mo pa sa FILBARS isama mo pa ang mga NBA cards. Tsismis noon na namatay si ULTIMATE WARRIOR dahil pumutok ang ugat sa pagbuhat kay ANDRE THE GIANT
at si JAKE THE SNAKE namatay din dahil tinuklaw ng mga ahas niya. PaRA sa mga addict ng lipunan dalawa lang ang uso noon SHABU at MARIJUANA wala pa kasing ecstasy noon. Ang pantalon noon ay astig ambel ka pag metal ka, lawlaw na pants pag HIPHOP ka at saan ka pupunta… sa ILALIM NG RECTO para magpatahi ng LEVIS 501 samahan mo pa ng kadena sa gilid ng pants na nakakabit sa wallet mo. Ang buhok noon ng babae hindi masyadong complikado okey na ang mahabang buhok sa lalake nauso ang FLAT TOP at UNDERCUT. PEACE KOTSENG KUBA!ANG sitsirya mo PRITOS RING, LECHON MANOK AT BAKA, PEEWEE, POMPOM, SWEET CORN AT ANG CANDY MO WHITE RABBIT NA MAY BALAT na natutunaw sa dila.Dahil sa GWAPING
(MARK, JOMARI AT ERIC.We are the… Gwapings!) ang pabango mo ay ATLANTIS at EIGHT ng BENCH SAMAHAN MO PA NG MAKUKULAY NA FACE TOWELS NILA na may burdang Bench(pabangohan pa nga kayo ng towel noon diba?), napabilib ka pa nga sa pagsagwan ni RICHARD GOMEZ sa patalastas
. Pero malamang ikaw ANGELS BREATH
ang gamit mo na may WHISPER WITH WINGS. ROLLERBLADES AT MIGHTY DUCKS
ang extreme noon. Usong uso ang massacre line-up VISCONDE, LIPA, MARIKINA,AT kung ano pa mang massacre. .At dahil dito pumunta si POPE JOHN PAUL II sa Pinas para sa WORLD YOUTH DAY walang krimen!. Nasanay ka na din ng 3:00 habit. AMEN… “TIME FIRST”! inom muna ako ng malamig na MILO na nasa malaking tumbler. tapos nito “UWIAN NA! “( sa tuno ng here comes the bride)!. ikaw ano pa naalala mo?
minsan nabaliw ka din noong dekada 90..
26
Jun
Advertisements
tuts1914
August 15, 2011 at 12:45 am
panalo…dekada ko rin to!!