RSS

Pag ako naging Presidente sila ang aking Cabinete!

12 Dec

Walang tatalo talaga sa TV Patrol isipin mo pinagsama mo ang tatlong malulupit pagdating sa pag-babalita. Noli, Korina at Ted saan ka pa? Parang pinag-sanib mo ang lakas ni Kobe, Le Bron at James Yap! Sa tuwing sasapit na ang 6:30PM asahan mo nasa piling na ako ng tatlong ito. Sabi nila kapag ikaw daw ay nagkaka-edad eh’ nahihilig ka na daw sa Current Events in-short gusto mo na din maki-sawsaw sa takbo ng mundo. Minsan nga lang asar na din manood ng balita kasi puro bad news na lang! Pinatay si ano, nasagasaan si ganyan, nag-kanakawan doon at kung ano ano pang ka-bwisitan sa buhay ang mapapanood mo sa news. Pero para sa akin walang tatalo sa Political Circus sa ating bansa. Putcha! Ang saya! Parang nanood lang tayo ng teleserye. Iba’t –iba kasing tao ang lumilitaw sa tuwing umiikot ang mundo ng politika dito sa ating bansa. Kanya-kanyang papel at character ang nabubuhay sa tuwing may bagong issue o kaganapan. Hindi ba Masaya, Astig? Para mas lalo pa kayong ganahan sa pag-babasa, eh’ minsan ay nangarap na din ang inyong lingkod na maging Presidente ng Pilipinas hindi po TODA balang araw. Sabihin na natin na suntok sa buwan ang aking hangarin pero ang aking gagawin na pagbabago sa ating bansa ay sadyang busilak at kahanga-hanga. Actually matagal ko na din to’ pinag-handaan. Isinulat ko na din ito sa aking palad at sa pader ng aming kapitbahay. Eto na ang mga dapat pumaligid sa akin kung ako ang papalarin maging Presidente ng Pilipinas.
Department of Tourism- SEC. Wally Bayola and Jose Manalo
Advantage : Juan for all, all for Juan, sugod bahay gang at naikot na ang ganda ng ating barangay sa buong Pilipinas. Tiyak kung sila ang mag pro-promote ng tourism sa ating bansa mamatay tayo kakatawa at walang gastos manonood na lang sila ng Eat Bulaga nakapasyal a na sa Pilipinas.
Department of National Defense: Sec. Freddie Abuda
USec: Rudy Distrito
Advantage:Freddie Abuda is a former Philippine Basketball Association player. He was drafted by Purefoods, then known Coney Island Ice Cream, in the 2nd round as the 10th overall pick. Abuda played eleven seasons in the PBA, most of them with the San Miguel Beermen. (c/o WIKIPEDIA). Kaya niya magbantay ng Import na galing amerika, Chinese pa kaya? Kaya kayang kaya ni F. Abuda bantayan ang Spratley, full press defense pa! Hindi ko na dapat ipaliwanag bakit si R. Distrito ang Under Secretary, alam mo na yun’…
Department of Energy: Sec. Gary Valenciano
Advantage: Mr. Pure Energy
Department of Foreign Affairs: Sec. Jimmy “ the saint” Santos
Advantage: Understandable. malupit sa wikang banyaga.
Department of Justice; Sec. Amy Perez
Advantage: FACE to FACE na agad!
Department of Environment and Natural Resources: Dugong ( Malou de Guzman in Marina)
Advantage: she is the most forceful sea witch who gives Victoria the supernatural powers she needs. She has full control of the whole Dagat Landia and has the ability to see the future. With her mere eerie chant, she can claim countless lives. Dugong alone can make mermaids human… but only if she offered a precious gift she cannot resist
Department of Transportation and Communication: hatiin sa dalawa
Transportation:Sec. Coach Rio de la Cruz
Advantage: RunRio’s goal is to produce world-class running events in the Philippines, hindi ba matipid sa gas
Communication: Sec. Lolit Solis
Advantage: yari ka Piolo!
Department of Health: Santino ( May Bukas pa)
Advantage: Isang dasal lang wala ng magkakasakit
Department of Finance: Sec. Willie Revillame
Advantage: Game show Host. Magaling mag addition ng panalo ng contestant. Sanay humahawak ng pera sa show niya tuwing gabi.
Department of Science and Technology: Sec. Kuya kim Atienza
Advantage: madaming alam
Department of Education: Sec. Isko Moreno (AKA. Brod Pete)
Advantage: Isa pang madaming alam!
Department of Labor and Employment: Sec. Lucio Tan
Advantage: wala ng mag ra-rally
Department of Interior Local Government: Sec. Ben Tulfo
Advantage: eh’ mga P***ng ina niyo pag hindi kayo sumunod. Huli kayo sa Bitag nyan!
Department of Agrarian Reform: Sec. Camille Villar
Advantage: anak ni Manny Villar. Kayang gawing world class subdivision ang lahat ng lupa sa Pilipinas.

Hindi ba ang saya! chow!

 
Leave a comment

Posted by on December 12, 2011 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: