RSS

wala ng malaking kalabaw sa CUBAO

17 Dec

Noong unang panahon ng ako’y bata pa. Isa lang ang gusto ko pasyalan tuwing pasko. Isang lugar kung saan mo matatagpuan ang iba’t ibang palamuti at ilaw tuwing ka-paskuhan. AHA! Yan’ ang Cubao. Sikat na sikat noon ang Cubao, hanggang ngayon din naman sikat pa din naman siya. Pero mas astig ang Cubao noon, hindi gaya ngayon ang Cubao ay isang mahabang overpass na lang sa mata ng mga tao. Isipin mo puro na lang siya overpass. Wala na silang alam gawin sa Cubao kundi pasikipin at lagyan ng madaming Condo at iwasang patapakin sa lupa ang mga tao. Tripping lang na parang addict, balikan natin ang paborito nating pasyalan, ang Cubao noon .

Noong unang panahon (Dekada 90) ang Cubao ay isang malupit at magandang pasyalan. Pagtawid mo ng EDSA via overpass kung galing ka sa Arayat iyong unang madadaanan ay ang Farmers Plaza. Dati nagtataka ako bakit ba tinawag na Farmers Market At Farmers Plaza eh’ wala namang farm dito. Pero sarap talaga mamasyal at tumambay dito. Sa Farmers ko unang binili ang pekeng Doc Martins ko via Shoeville. Sa Farmers ko din una natikman ang unang suntok ko sa mukha noong ako ay napag-tripan ng mga jologs doon. Sa Farmers 4rt floor ko din nakilala si Ryu, Ken, Chun-li at sampu ng kanilang kasamahan. Dito ko din unang nakita si Francis Magalona na nag-promote at nag perform ng Mga Kababayan niya na kanta, flat top pa buhok niya noon na may guhit ng gunting sa gilid na may peace sign. Sa groundfloor ng Farmers ay masarap mag-lasing dahil sa mga live bands niya kada- hapon. Pag-labas mo ng Farmers ay bubungad sa’yo ang dambuhalang Araneta Coliseum na ngayon ay tinawag na na Smart-Araneta, sa 2012 asahan mo Sun- Araneta na siya. Sa bandang kaliwa ng Farmers Plaza ay matatagpuan mo ang Sampaguita Theater na ngayon ay ginawa na nilang motel. Dito kami nanonood ng mga pelikula ni FPJ noon. Sa tapat ng Sampaguita ay makikita naman ang Quezon Theater na ngayon ay simbahan na ng mga Born Again. Sa tabi naman nito ay kakalabitin ka naman ng National Book Store. Trivia! Noon madaling mag-shoplift  sa National Book store. Hindi pa uso ang mga monitored camera. Akalain mo nailabas ko ang tatlong cast ng Teenage Mutant Nija Turtle na laruan ng hindi ako nasita o nahuli ng guard. Paano ko nagawa? Bumili ako ng Illustration board at sa loob ng plastic nito ko nilagay ang tatlo kong ninenok. Salbahe? Hindi ba? Pero hindi ko to ginawang hanap-buhay  , trip lang to’ mga tsong. Balik tayo sa pamamasyal. Sa tabi ng National Book store ay doon nakatayo ang Quezon Arcade na ngayon ay Gateway na. Ang Quezon Arcade ay sikat na bilihan ng Combat shoes at ano pang gamit pang- CAT ( Citizen Army Training) at ROTC. Dito din ang bilihan ng pyesa ng mga electronics na madalas mo project  noon sa high school. Katapat nito ang pinaka- sikat na gate ng Araneta Coliseum ang gate ng mga urban poor noon na gusto manood ng mga concert at ano pang palabas, ito ang General Admission Gate. Sa hilera ng General Admission doon naman ang Webster Book Store na ngayon ay mga Resto na. Wag mo din kalimutan ang Malaking Christmas Tree tuwing Pasko na kung saan sa lugar din na yun nakatirik. Bumalik tayo sa Quezon Arcade. Kapag lumakad ka ng mga benteng hakbang mula dito ay matatanaw mo na ang New Frontier Cinema Theater na ngayon ay isa ng malaking haunted Movie House. Pustahan tayo madami ang mga moments dito para sa ating mga lovers na naging saksi ang sinehan na’to sa kanilang mga dating era! Try nating tumawid sa kabilang kalsada sa bandang kanan kasi itong lugar na’to ay tiyak na hinding-hindi mo makakalimutan.Ano ito? Eh’ di Fiesta Carnival !. YIPPPPPPPPPPPPPEEEE!  Patay na bata noon ang hindi nag enjoy sa Fiesta Carnival. Anong sinabi ng Enchanted kingdom dito. Lahat ng rides sa loob ng Fiesta Carnival ay 60% enjoy, 30% trill at 10% safe. Kung maibabalik ko lang ito sa isang iglap  ay isasama ko ang mga anak ko dito. Sa pag-pasok mo ay bubungad na kaagad sayo ang riles ng tren, sa bandang kanan andoon naman ang Merry -go-Round. Sa gitna naman ang Roller Coaster na sa palibot nito ay my parang Sky line. Ang mga dinosaur na malapit sa mga pader kung saan ka  nag pa-photo-op  noon. Ang matayog na Ferris Wheel at sa second floor naman ay ang go-carts. Trivia Time tayo Ulit! Alam niyo ba na sa Fiesta Carnival na-shoot ang music video ng E-Heads na Fruitcake. Dito sa video makikita mo ang mga bulag na tumutugtog sa may malapit sa entrance. Pinakita din sa music video  ang loob ng Quezon Arcade sana naalala niyo pa.   click  the site

http://www.youtube.com/watch?v=6GD06YUqE9I

Sa bandang kanan matatagpuan mo ang SM Cubao. Malapit din dito ang Automatic Center na kung saan ang terminal  ng mga papuntang Antipolo at Rizal na ngayon ay Telus na. Balik tayo sa SM Cubao, sa tapat nito ay matatagpuan mo ang ALI Mall kung saan pinangalan pala to kay alam mo na. Ang Ali Mall lang ang may Roller Skating rink noon sa Cubao. Kung napapanood mo ang mga 80’s movie theme na may 4 wheel old school roller skates with matching groove sounds and strove lights na para bang ikaw ay magdi-disco sa rink. Ganyan noon sa Ali Mall. Mahal pa kasi ang rental sa Ice Skating sa Mega Mall. Lagpasan na natin ang Rustan’s dahil bawal pumasok doon ang naka tsinelas. Punta na tayo sa isa pang sinehan na ngayon ay pinamumugaran na ng mga believers ng ORAS NA. Ang Cinema 21 . Lumakad ng unti at matatgpuan mo na ang pinakasikat sa lahat ng attraction tuwing pasko ang COD. Nothing compare ang saya ko noon tuwing pasko at nasa COD kami. Mababaw lang tayo noon. Masaya na tayo sa mga mannequin na lumalakad at Santa Claus na nakatali.  Haaaaaaaaaaayyyy Cubao. Madami na ang gusto ka ulit pasyalan Sana nag-enjoy kayo sa pamamasyal natin sa Cubao. Sana bumalik na ang Kalabaw sa Cubao! Chow!

 
Leave a comment

Posted by on December 17, 2011 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: