RSS

idol ko si rizal… mga dapat malaman kay pepe ayon kay willy garte.

30 Dec

@ alam mo ba na si Pepe ang unang PROMIL gifted child, nakakapag-basa na siya sa edad na dalawa.

@Si Pepe ay maituturing na international playboy, wala pa si James Bond siya na ang kilabot ng mga chicks hindi lang sa Pinas pati sa abroad. Nakakapagsalita si Rizal ng 22 languages isama mo na ang Latin, Spanish,Catalan, German, French, English, Chinese and Japanese. Ang hindi lang natin alam kung kaya din niya mag-salita ng salita sa Jupiter.

@ Tatlong hayop ang ipinangalan k. Ito ang  Draco rizali, a species of flying dragon, Rachophorous rizali, a species of toad and Apogonia rizali, a beetle species. Bida din si Rizal sa pelikulang How to train your dragon.

@ Si pepe ay kilalang “Renaissance man” sa buong mundo. Ikaw ba naman ang maging Jack of all trade. Tinalo pa niya si Mac Gyver at Chuck Norris.

@ Na master na ni Pepe ang lahat ng bagay sa buhay. Naging ophthalmologist, novelist, educator, farmer, historian, playwright, sculptor, painter, aktibista and journalist. Saan ka pa? Hindi ko lang alam kung nagawa na ni Rizal ang tumulay sa alambre?

@ Si Pepe ay isa ding  architect, cartographer, economist, ethnologist, anthropologist, sociologist, dramatist, martial artist and an expert in fencing and pistol shooting. Kung nabubuhay din siya ngayon malamang dalawa na sila ni Pacquiao ang naghahamon kay Floyd Gayweather.

@ Si Rizal ay malupit din na polyglot conversant, was a prolific essayist, diarist, correspondent, diarist, novelist and poet. Kung naibento na noon ang ballpen malamang kasing dami na ng encyclopedia ang naisulat niya. Kikita sa kanya ang Pilot at Panda sa dami ng maisusulat niya.

@  Si Pepe ay graduate sa Ateneo de Manila at isa sa siyam na dineklarang pinakamagaling sa kanilang klase. Partida na yan may discriminasyon pa yan at malamang sa oo walo sa siyam puro kastila siya lang ang indio.

@ Tinalo pa ni Pepe si Former President Ramos sa dami ng napuntahang bansa. Malupit pa nito hindi nag e-eroplano si Rizal. Barko lang ang way of transportation noon. Medyo makati din ang paa ni Pepe dahil sa dami ng napuntahan nitong bansa. Ito ang mga sumusunod, United States, Spain, Great Britain, France, Austria, Germany, Belgium, Switzerland, Czech Republic, Italy, Singapore, Borneo, Hong Kong, China and Japan. Kahit sinong mayaman ngayon ay hindi sigurong kayang gawin ang ginawa niyang biyahe.

@ Dahil sa galing ni Pepe magsalita siya ang pinaka-unang Bolero. Pumapartida ulit na hindi naman siya ka-gwapohan at pandak pa pero talo pa si Richard Gomez pag dating sa babae. Ika nga sa sinabi kung noong una na international playboy si pareng Pepe. Eto ang listahan ng mga na link sa kanya;Gertrude Becket, Nelly Bousted, Usui Seiko, Segunda Katigbak, Leonora Rivera, Leonor Valenzuela, Consuelo Ortiga y Rey, Suzanna Jacoby, and Josephine Bracken. Kung nabubuhay din si Pepe ngayon malamang na link na siya kay Bea Alonzo, Angel Locsin, Sarah Geronimo o di kaya kay Marian Rivera.

@Ang unang tula na ginawa ni Pepe sa edad pito ay ang  “Sa Aking Mga Kababata” (To My Childhood Friends). Buti na lang hindi ngayong panahon na’to siya lumaki dahil malamang hindi siya nakapag-sulat ng tula kundi mina-master niya ngayon ay DOTA at Counter strike.

@Pina-sikat din ni Pepe ang kasabihan na  “Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda”. (He who does not love his own language is worse than an animal and smelly fish).  Pero sa Panahon ngayon kailangan ay EOP ( English Only Policy) na kundi unemployed ka.

@ Weird kung weird pero ang religion na the Rizalista – members of Cruzado, ay sinasabi na si Jose Rizal is the reincarnation of Jesus Christ. Ang hindi lang nagawa ni Pepe ay lumakad lang siguro sa ibabaw ng Manila Bay.

@ Isa pang misteryo kay rizal na anak daw niya si Adolf Hitler ng Germany and Mao Zedong ng China. Ayan tuloy dahil sa pagiging international playboy madami tuloy haka-haka na madami siyang anak sa labas.

@ Madaming bayan sa Pilipinas ay may monumento ni Rizal. Pero kahit sa ibang bansa ay talamak din ang rebolto ng idol natin. Madrid, Spain; Wilhelmsfeld, Germany; Jinjiang, Fujian, China; Chicago, Cherry Hill Township, San Diego, Seattle, U.S.A.; Mexico City, Mexico; Lima, Peru; Litomerice, Czech Republic; and Toronto, Ontario, Canada. Name it meron rebolto si rizal diyan at kung sakaling wala, hayaan mo na dahil on-process at on- going na ang construction nito. May suggestion din ako na lagyan na din natin ng rebolto ni Rizal sa loob ng mga mall dito sa Pinas. Para din magsilbing alaala ang mga nagawa ni Rizal sa ating mga Pilipino. Total wala naman namamasyal na sa atin sa luneta, mag-lagay na din ng mge rebolto sa mga sumusunod; MOA, Megamall, Edsa-shang, Rob Gale, The Gateway, Ayala mall etc..etc..

chow

 
Leave a comment

Posted by on December 30, 2011 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: