RSS

reason why deactivate my Facebook.

17 Feb

Bitter ba ako? Hindi naman siguro.  Sa araw kasi  na ito ay sinubukan ko muna mawala sa isang pinaka- sikat na social networking site sa buong mundo, ang Facebook. OO, wala na po ako sa Facebook. Masakit tanggapin sa akin ang katotohanang wala na akong facebook, pero kailangan ko itong gawin.  Masakit din mawalan ng connection sa mga mahal mo sa buhay loob man at labas ng bansa. May mga kadahilanan akong pinag-isipan bago ko naman ito gawin at ito ang mga sumusunod.

1. Ang Micro blogging ay hindi na masaya. Lahat ng pinag-sasabi ng mga taong napapaloob sa aking facebook ay puro na kahibangan na para bang tayo ay nabubuhay sa isang perpektong mundo. Feeling ko lahat ng lalake ay si Ken at lahat ng babae ay si Barbie. Minsan yung mga naka-post or share ay pawang mga kasinungalingan na kung ito ay hihimayin mo ayun sa pagkatao ng nag- post. Isa pang masakit na realidad ay  hindi naman ganun ang pagkakakilala mo sa taong nababasa mo . Parang gusto niya lang  ipagkalat  sa buong mundo na , “hello! ganto na ako ngayon, hello andito ako ngayon sa lugar na ito ikaw hindi ka pa nakakarating dito”. Gusto natin ka-ingitan tayo ng tao sa mga pinag-gagawa natin at ganun din sila sa atin. Kung iyong iisipin, nagiging totoo ba tayo sa  ating mga sarili o nagpapanggap lamang tayo para  matanggap lang tayo ng ating lipunan at umani ng papuri na hindi mo naman kaya ma-gain sa realidad ng buhay.

2. Gusto ko kasi mag-earn ng kaibigan 90’s style. Gusto ko magkaroon ng kaibigan na kikilalanin  mo ng lubusan at personal. Kaibigan na totoong tao na gumagalaw.  Para din magkaroon ako ng feelings na masasabi ko na  na-mimiss  ko na ang  mga kamag-anak ko  at dahil din dito mapipilitan akong magpakita sa kanila. Masarap kasi  magsabi at masabihan ng personal ng isang tao na malapit sayo na ” oyyyy! na-miss kita, kumusta ka na?” at ito ay mag le-lead sa isang napaka-gandang conversation. Ayoko na makabasa ng kumustahan sa  comments at shout outs sa wall ko. Hindi ko din kasi makita ang sincerity and concern sa tuwing may nagungumusta or nag li-like sa FB ko . Para kasing hinog sa pilit lang ang kumustahan at batian. Higit sa lahat gusto ko makilala kung sino ba talaga ang nagmamahal at malapit sa akin.

3.Nagiging tsismoso na akong literal. Lahat ng mabasa ko sa facebook ay nag-fefeed na sa utak ko na para bang may circus na kukmukotkot sa loob at nagiging malisyoso na akong  tao. Pinag-uusapan ang mga hindi naman dapat pinag-uusapan, pinapakita ang hindi naman pina-pakita at sinasabi ang hindi naman dapat sabihin. Nalalaman mo ang mga useless na information na hindi mo naman magagamit sa totoong buhay. Sinisira mo ang pagkatao ng isang tao sa pamamagitan ng madudumi at malikot na pag- iisip. Lahat big deal kahit wala namang kwenta! Ang hindi naman sira pilit na sinisira. Ang mga ayos na bagay-bagay binibigyan ng issue para mawasak.  Ang pangit nagiging maganda at ang maganda nagiging pangit. 

4. Gusto ko putulin o mawala sa sytema ko ang mga taong hindi ko naman ganun kakilala ng lubusan. Ka-batchmate sa school , kaibigan ng kaibigan, kamag-anak ng kamag-anak. Ito yung tipong noong unang panahon ay dinadaan-daanan ka lang. Tapos ngayon pupurihin ka sa Facebook mapa-picture man o status mo. Hindi ba weird? Paano nangyari yun na ang taong ito na walang halaga at kaugnayan sa buhay mo ay now  like ka na?

5. Madaming passive-aggressive behavior on Facebook. Para kang naghahanap ng kakampi or kaaway. Papanig ka ba o hindi. Like mo ba or Hater ka. Mga violenteng reaction na malamang hindi mo naman kaya sabihin ng harapan sa tao. Ang duwag nagiging matapang. Ang matapang pinagkaka-isahan at dudurugin sa pamamagitan ng matatalim na salita. Ang mababait nagiging masama at ang masama ay nagiging mabuti sa pananaw ng iba. Ang mabangis nagiging maamo. Kinokonsinte ang mga immoral at pinupuri ang  mga hangal. Hindi ba ang gulo?

6.Nakakalimutan ko ng mag-surf ng mga magaganda at makabuluhan na bagay sa internet. Kinakain na ng Facebook ang oras ko. Gusto ko pang matuto ng mga bagay-bagay na labas sa facebook. Ayoko na malaman at mag like sa  kung ano ang inulam mo kanina sa bahay niyo. Kung namatay ang aso mo at nagluluksa ka. Na masakit ang kuko mo dahil masikip ang sapatos na sinuot mo etc…etc… blah.. blah..

7. Sinasanay ko na ulit ang aking sarili na mag-ipon ng mga magagandang larawan sa buhay ko. Ito yung tipong old school type ng pag-iipon ng larawan  ng aking mga mahal sa buhay. Ayoko itago ang mga magagandang alaala sa isang walang kwentang networking site. Kahit mahal magpa-develop sisikapin at pipilitin ko na mai-print ito para kung sakaling mag-crashdown ang worldwide web at least may naisalba ako na makikita pa ng mga susunod sa akin kung ano ang maganda sa naging buhay ni Ryan the Man. Ayoko na din tumingin ng mga picture na dumaan sa photoshop lalong-lalo na kung alam mo na pangit naman ang nag-mamay-ari.

8.I’m so sick and tired na makisali sa usapang facebook. Kada may kausap ako lagi na lang topic ang Facebook. Kaya ngayon kapag sinabi  ko na wala akong facebook hindi na namin malamang  pag-uusapan to’.

9. Ayoko mabuhay sa nakaraan. Ayoko makita ang mga taong naging parte ng buhay ko na nanakit o umalipusta ng aking damdamin . Ito yung tipong mag-eeffort pa sila na magkaroon kayo ng conversation via chat. Eto yun tipong binabalik nila yung mga glory days nila na hindi naman dapat ibalik. Mga kaaway na kulang na lang ay patayin ka sa hiya noon. Mga syotang gusto mo na kalimutan dahil nag-move on ka na at kung sino-sino pang mga nameste sa buhay mo noon.

10. Facebook is stealing my privacy. Minsan nalalaman pa ng mga tao sa paligid ko ang mga activity ko na dapat ay personal naman. Ito yung tipong may stolen shots tapos may tagging na magaganap. Bago mo makita alam na pala ng buong mundo. Hindi ko na rin iintindihin at pro-probelmahin ang mga picture na kailangan ko i-upload kapag nakapunta ako sa mga lugar na magaganda o di kaya ipagsigawan sa buong mundo via status ko kung ano ang ginagawa ko, kung saan ako papunta at kung ano na ang kalagayan ko sa buhay. Relaxs na ako ngayon. Hakuna Matata na.

11. Nagkakaroon na kasi ako ng anxiety disorder sa tuwing nagbubukas o iniisip ko ang facebook. Hindi ko na kasi alam kung ano ba ang tamang gawin sa mga tao na nasa notification ko. Accept, ignore or reject ko ba sila. Baka may nasasabi na pala akong masakit na salita sa tao na hindi ko naman intention na tamaan. Tapos bandang huli sinaksak ka na pala. Baka may nag-comment laban sa akin sa wall ko.  Hindi ba nakaka-paranoid?

12. Nagiging addict na ako sa Facebook.

13. feeling ko kasi Facebook ang sisira sa pagkatao ko!

Ngayon alam mo ba ang paki-ramdam ko? try mo ang sarap.  chow!

 
3 Comments

Posted by on February 17, 2012 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , , ,

3 responses to “reason why deactivate my Facebook.

  1. len

    July 4, 2012 at 4:30 am

    super like…gndang basahin…my sense 🙂

     
  2. lenlen

    July 4, 2012 at 4:51 am

    haha,tma lht ng mga cnbe mo,ako nmn kya ako ng facebook ay dhil nrn sa “pakikiuso”,prng nkkhiya na “wala” ang isgot ko kpg tnanung aq kung my fb ako,aun hanggang sa ngkarun nko ng mrming acounts sa fb,pero hbng tmtgal ay nppncn ko na prng my mali sa fb,prang karamihan ay ngpa2ckatan,ngppybngn,ngpprinigan pero kpg sa personal nmn ay hndi nmn kyng gwn,pckatan ng mga lugar na npnthan,pa post2x ng mga bgong gmit or gadget na akala moy tlgng pnghirapn un nmn pla ay bgay ng iba,ngfb aq pra mhnap ang mga kmganak ko dn na mtgal ng wla aqng conction,isa pa ang nkktwa,khit ung hndi nmn ganu mgnda ngmumukha ng perfect dhil sa photoshop,hndi mo n mlmn kung gmnda b tlga sa totoong buhay na prng gling ng japan or dhil na edit lng ng mtaas na version ng photoshop,nkkaloko ang fb,pybngan lng ang nkikita ko at pa feelingan lng….hehe

     
  3. denise burton

    August 15, 2012 at 12:57 am

    super agree! di man tayo friends sa facebook… pareho lang tayo ng napagkikita. Puro kayabangan, kasinungalingan, tsismis… boring na!

     

Leave a reply to lenlen Cancel reply