RSS

kung ako ay isang politiko….

26 Aug

Malapit nanaman ang eleksyon at tiyak madami nanaman ang magpapasikat na para bang nasa Showtime. Wala pang campaign period pero ang daming EPAL nanaman sa kalsada. Mga pagbati sa kung ano-anong okasyon na nakalagay sa tarpaulin na pasadya  donated by friends pa ang drama, mga relief goods na may picture ng mga mukha nilang kasing baho ng isda sa loob ng lata ng sardinas na ipinamimigay nila, mga scholarship program  na ipinapamukha sa atin na may utang na loob tayo sa kanya at pinag-aaral niya ang mga mangmang,  mga family picture nilang naka-paskil sa loob at labas ng waiting shed na naghihikayat sa atin na “ ihian at duran mo ang aking pamilya dahil perpekto ang aming pagsasama”,  mga road widening project nila na akala mo sila ang nag-pala, nag tibag at nag semento ng buong kalsada, mga  road signage sa traffic na nakalagay ang mga pangalan nila sa baba ng signs ( halimbawa : NO LEFT TURN Brought to you by Mayor Alligator and his council) liliko ka lang putcha brought to you pa, at kung ano ano pang ka-lechehan na kailangan at nararapat daw na   iugnay ang  mga pangalan nila. Mas masaya sana kung 1×1 picture nila ang ipaskil  at sa taas nito nakasulat  “NOTICE TO THE PUBLIC – epal ako”.   Kung iintindihin mo ang mga pinag –sasabit nila sa mga poste at wiring ng Meralco ay ikakasanhi pa ng pagkahulog mo sa manhole na walang takip o di kaya fire hazzard pa ang mga ito. Kung nagsasalita lang ang mga  pader at poste sa kamaynilaan malamng minura na kayo sa pagyurak sa kanila.  Minsan nga naiisip ko ganto na  ba ang mga public servant natin ngayon? Kailangan na ba nila iyabang ang mga naitulong at nagawa nila sa kanilang bayan? Hindi ba pera ng taong bayan ang mga pondo ninyo sa mg programa niyo. Hindi nga ba dapat action speak louder than words? hmmmp !

Ano kaya kung tumakbo na din kaya ako sa  susunod na halalan. Trip lang. Pero kung sakaling ako tatakbo at manalo humanda kayo dahil isang malaking compilation of characteristic ang gagawin ko. Total Make over ang magaganap. At sila ang gagayahin ko para lalo niyo akong mahalin.

Hindi ako magpapagupit ng buhok hanggang matapos ang termino ko gaya ni Mayor Cesar Climaco ng Zamboanga. Kung si Mayor Climaco ay hindi nagpagupit para protesta laban  kay Marcos ako naman ganoon din . Protesta ito laban sa mabahong kanal at pagkalat ng mga taong grasa sa aming lugar na hindi kinukuha ng DSWD. Pwede din ako mag-motor motor gaya ni Mayor Climaco at Mayor Duterte sa aking kinasasakupan para hindi din magastos sa gas environment friendly pa. Sasamahan Ko pa ito ng shades mala- Mayor Fred Lim style. Hindi hindi ako bibili ng luxury car na may wang-wang baka magalit si PNOY ang president natin na ayaw ng wang-wang pero trip ang Porsche. Pipilitin ko mag Mountain Bike na Lang kung sakaling malapit lang naman ang pupuntahan ko na parang si Congressman Manuel “ Way Kurat” Zamora na minsan ng hindi pinapasok ng guard sa Batasan dahil umatend ng session na naka- trycle lang pero buti na lang nakilala siya ng isa sa kannyang mga kasamahan. Siguro magiging trip ko din ang mag  -alaga ng uod sa paligid ng munisipyo para makatulong sa pataba ng lupa at mataniman ko ng mga magagandang halaman gaya ng ginawa ni Way kurat. http://pcij.org/imag/Life&Times/waykurat.html.Hindi ako mag-iinarte sa madlang people lalong-lalo na kung may mga ka-piyestahan at okasyon sa aking kinasasakupan. Makikisali ako gaya ng kung ano ang ginagawa ng karamihan. Kung kailangan mag-paa habang naglalakad bilang panata o pakisama sa karamihan, gagawin ko! Hindi ko kailangan umarteng hari at manuood na lang sa mga nagaganap. Gagayahin ko  si Ex-Vice Pres Noli  de Castro tuwing piyesta ng Nazareno sa Quiapo at  Mayor Jesse Robredo tuwing Penafrancia. Mananampal ako kung kina-kailangan gaya ni Mayor Inday Sara Duterte para respetuhin ako ng mga taong magugulo at ayaw sumusod  sa ikakaginhawa ng lahat. Magsusuot ako ng mga damit na sisimbolo sa kagandahan ng Pilipinas gaya ni Mayor Lito Atienza at Sen. Raul Roco. Susugod ako sa baha at ano mang uri ng sakuna para sumagip ng kapwa na walang dalang alipures na akala mo Metro Manila Film Festival float. Gusto ko mala Dick Gordon style may dalang amphibian para tumulong sa mga na stranded. Hindi ako iiyak –iyak sa harap ng camera at sa gitna ng madaming tao gaya ng ginawa ng isang  Panday noong bumabaliktad na siya sa tatay ng kumpare niyang matalik habang may impeachment na nangyayari, ganoon din ang teleserye moments ng isa sa mga Eskalera Brothers sa senado na dinala pa ang pagiging Iskol Bukol sa pangongopya ng gawa ng iba at pagkatapos mangopya iiyak.  Malamang hindi ko kayang sikmuraing gawin to’ dahil isa itong malaking kahibangan. Gusto ko ang yaman ko lang ay gaya kay Anak Pawis Congressman. Rafael Mariano na ang declare asset  ay  P46,946.73. Gusto ko din ang style sa disciplina at kalinisan ni Mayor Edward Hagedorn, Mayor Rodrigo Duterte at Mayor Bayani Fernando.. At higit sa lahat gusto ko gayahin  ang  pakikipag-kapwa tao ni FPJ sa pelikula niyang  “dito sa  Pitong Gatang”. Isama mo na din yung wrist band in Erap, trip ko din na trademark yan. Chow!

 
Leave a comment

Posted by on August 26, 2012 in Uncategorized

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: