RSS

nothing beats the backstabbing moments

27 Aug

Galit ako sa mga taong backstabber. Bakit kasi ang daming ganitong mga tao sa mundo at take note nanganganak pa sila na parang mga gremlins. Epidemia na ata to’ kahit saan ka magpunta nagkalat na sila. Kapag kaharap ka akala mo santo pero kapag nakatalikod ka na boom …wapanggg! Kinakatay ka na niya sa pamamagitan ng kanyang matatalas na dila. Wag tayo palilinlang sa amo ng mukha, ayos na pananalita at ganda ng porma dahil minsan ang akala mong diwata ay kapre pala. Tinutupi lang nila ang buntot at sungay nila para nga hindi nga naman sila mahalata. Alam ko minsan sa buhay mo ay na traydor ka na, ako din madalas pero wa pakels. Iba’t ibang klase kasi ang traydoran, may mga level to’. Pero dapat kahit anong level ka na nabibilang dapat ay matatag ka  di matitibag sa kanilang lason na binubuga. Minsan nga ang sarap kausapin ng masinsinan ang mga taong ganto at sabihin na “friend congrats ha sa mga achievements mo sa buhay , by the way pakibunot naman ng kutsilyong itinarak mo sa likod ko at baka magamit mo pa yan sa ibang tao, ang sakit na kasi eh”. Minsan nga mas maganda pa yung alam mo na siya ang kaaway mo dahil alam mo kung paano mo siya lalabanan kaysa sa mga taong akala mo kaibigan pero dihins pala. Sa ganda ng kanyang ngiti at kislap ng mata pero wag ka may buwaya na palang sasakmal sa iyo.ganyan ang karaihan sa kanila. Ang pag tra-traydor ay laganap na simula noong panahon pa ni Kristo. Isipin mo na lang si Judas ipinagkalolo si Kristo, ikaw pa kaya hindi ipagkalolo. Kaya nga Hudas eh’. Hahalikan ka sabay bibigyan ka ng latay na habang buhay mamarka sa pagkatao mo, ang sakit nito teh’. Sa mundong ginagalawan natin at sa tagal na nating nabubuhay dito may mga bagay bagay na tayong natutunan sa pakikisalamuha sa mga gantong klaseng mga halimaw.Amoy na amoy na natin sila. Malakas lang ang pwersa ng mga ito kapag ikaw ay nakatalikod, kaya nga ang atake nila sa’yo patalikod. Kaya lang naman nila ginagawa ang mga gantong bagay dahil alam nila na ito lang ang kanilang paraan para makuha ang kapangyarihan na inaasam nila. Ito ang mga tips para maiwasan ang maging biktima na backstabbing at paano harapin ang mga ganitong saksak likod na eksena sa buhay.

1. Mamili ng kaibigan. Mas uunti mas maganda. Hindi maganda ang the more the merrier kasi hindi ka naman tatakbo sa pagka-mayor sa inyong lugar. Piliin ang mga taong hindi ambisyoso at mapagkakatiwalaan. Mas masaya kung ang taong sinasamaan ay mababaw ang kaligayahan at unti lang ang pangarap sa buhay. Dapat mas lamang ka sa buhay, para hawak mo sila for life.

2. Maging pranka. Alam naman natin na “ the truth hurts” at kung pranka ka alam nila na hindi ka takot sa mga confrontation mala face to face ang style tapos sa usapan ang kulang na lang ay si Amy Perez. Maganda din kasi ang pagiging pranka dahil doon mismo tapos na ang mga lumulutang na usapin laban sa iyo.

3. Iwasang malasing at gumimick kasama ang mga taong alam mo may bakas ng pagiging traydor. Alam naman natin na minsan kumakati ang mga kadilaan natin kapag nadadampian ng alak at hindi mo na mamalayan na inilalatag mo sa lamesa ang lahat ng nalalaman mo. Ito din ang ikakapahamak mo. Malas mo pa kung narecord pa sa cellphone ang mga pinagsasabi mo. Tapos ang maliligayang araw mo tsong.

4. Magdala ng mahiwaga at malaking rear view mirror para nakikita mo ang mga tao sa likod mo. Actually exaggerated lang ako. Ok na kahit salamin sa press powder. Idikit sa harap ng lamesa o buksan kung saan ka nakaupo upang makita mo lang ang mga taong mahilig bumulong bulong sa likod mo saka mo sitahin.

5. Lagyan ng password ang cellphone.

6. Less talk, less mistake. Kapag tinanong ka mas magandang sagot eh’ sagot ng mga artista.. “no comment”.

7. Ang dagat na tahimik, malalim. Mag ingat sa mga silent killer. Hindi porket tahimik walang imik. Karamihan ng tahimik ay backstabber na makapili sa bandang huli na may suot na bayong sa ulo.

8. Maging NINJA. Takot ang mga backstabber sa mga biglaang depensa kaya kailangan may mga ninja moves ka na nalalaman sa buhay.

9. Wag mo ilayo ang sarili sa kanila. Ika nga nila know your enemy well. Makihalubilo ka pa din sa kanila na parang civil lang ang treatment. Wag mo silang iwasan.

10. Isang tanong isang sagot at huwag na dumugtong.

11. Gumawa ng mabuti sa mga taong nakapalibot sa isang backstabber. Ito ang tinatawag na “political capital”. Kinukuha mo dapat ang loob ng mga tao na nakapalibot sa kanya para sa oras na gagawin niya na ang maitim niyang balak, wala siyang maasahan dahil 50/50 ang maniniwala sa kanya. Maghanap ng kakampi. Kaibiganin ang mga mayayabang at atatapang na kaibigan.

12. Kapag ang tao ay isang defamer, backstabber na yan. Kung ang isang tao ay iniiwasan ka o tinayuan ka sa gitna ng isang usapang pasikatan na ikaw ang bida asahan mo backstabber yan!

13. Kapag hindi mo talaga masikmura. Mag freakout ka na, magbasag ka ng bote at sabihin ang nararamdaman pero wag ka mag mention ng names. Takot ang karamihan ng backstabber sa iskandalo kaya mabisang panlaban din ito sa kanila

14. Angkinin at ipagsigawan sa mundo ang mga nagawa mo o na achieve mo sa buhay. Tandaan mo isa sa mga ugali ng backstabber ay credit grabber o thives. Kaya mas maganda na acknowledge mo na kaagad ang nagawa mo para atleast wala ng nakawan ng idea. Mahirap na baka angkinin niya na sa kaya iyon.

15. Barahin kaagad ang mga kasamahan na mahilig mag-drama. Mabisang paraan sa bagbabara ang pagpapatawa at pag-iba ng topic. Kapag may drama , may teleserye, kapag may teleserye may kontra-bida. Iwasan masangkot sa mga dramahang walang wawa.

16. Ang mahilig magturo ay madaling manuno. Kapag backstabber ka finger pointer ka na din. Para maiwasan ang mga taong katulad nito give your middle finger to them when they are starting to finger pointing to others.

17. Maging professional at huwag gawin personal ang mga bagay bagay. Isa tong mabisang paraan para maiwasan ang suicide. Di bale ng sumakit ang dibdib nila wag lang ang sa iyo.

18. Hindi porket maganda o gwapo hindi ka tatalohin. Tandaan kapag magandang tao mas delikado. Sa mga pelikulang tagalong nakatago ang pangil ng mga taong ubod ng ganda.

19. Sabi nila huwag maghiganti,kalokohan yan! Dapat malasahan nila ang gamot na dulot ng ginawa nila. Lintik lang ang walang ganti. Ito din ang paraan para hindi na nila ito maulit.

20. At ang huli always pray to God na kunin na sila ng maaga. Chow!

 
Leave a comment

Posted by on August 27, 2012 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: