RSS

Dear Ate,

21 Aug

Dear Ate Jeane Napoles,

Kumusta ka na akala mo nalimutan na kita porket naging viral si “elevator girl” at “chito & neri scandal”. Ikaw pa malilimutan ko eh’ ramdam na ramdam kaya kita ngayong tag-lamig. Anong balita sa iyo? What’s in and out in the fashion scene ngayon. Eto lakas ng ulan pa din  dito, diyan ba snow pa din ba? Kaya din pala ako sumulat sa iyo para ipaalam sa’yo nangyayaring delubyo dito sa Pinas.Putcha Ate ang dami nanamang sinasalanta ng bagyo dito sa buong Luzon. Kawawa naman yung mga apektado. Buti ka pa cool na cool sa pag-kaupo mo dyan sa anong tawag dyan limosin ba iyan. Akala ko kasi restaurant sa eroplano, akalain mo kotse pala iyan.

Ate ang liham na ito ay para talaga sa iyo kasi gusto ko lang ipamukha sa’yo ang halaga ng mga sinusunog mo dyan sa States, ito  sana ay malaking tulong sa aking mga kababayan na hinahagupit ngayon ng bagyo.

Nahihiya na kasi ako ate sa mga pinag-popost nila sa internet habang nakikita ko na nagpapakasasa ka at ang gaganda ng mga pinag-bibili mo dyan na mga stateside na gamit. Sarap kasi ng naging buhay mo diyan Ate, unfair ka kaya! . Wala kasi din akong load para tawagan ka and parati ka na lang out of reach.

Buti ka pa Ate, hindi tulad nila  ngayon basang-basa na sa ulan . Ang sarap din kasi manumbat at magsalita ng masasakit sa kagaya mong nag- iisang anak ng Diyos na made in the Philippines. Bukod tangi kang pinagpalang immortal na galing ng Pilipinas. Grabe Ate pakiramdam mo siguro invisible ka na at lutang ka sa aming lahat. Lupet ng mga ka- picturan mo diyan mga big time kasama mo. Tapos sabi nila yang fashion blog mo kailangan updated ka daw sa fashion dahil requirement yata sa school mo ang magpasikat. Bakit magbabayad ka pa ng mahal sa school eh’ di sumali ka na lang sa Showtime kung magpapasikat ka lang din naman. Sarap naman pala mag-aral diyan Ate sana kami din!  Ate balita pa dito all acess ka pa daw sa  mga sikat na gatherings dyan sa Amerika. Buti ka pa samantalang kami SM Malls lang ang kaya namin ma- acess.

Ate alam mo  sana habang nakasakay ka dyan  sa Porsche mo maisipan mo na sana siyang ibenta.  Madami ka kayang matutulungan te’.  Isipin mo katumbas na yan ng  mga rubber boats, tali na heavy duty pang sagip sa mga hindi makatawid, amphibians na kaya puntahan ang hindi kaya abutin ng mga military truck, mga kapote na pwede gamitin ng mga bata para hindi magkasakit, flashlights kapag pinatay ng Meralco ang main, generator para gamitin ng mga tao sa evacuation area at salbabidang pwede isuot sa mga bata,matatanda at ng mga rescuer. Nakakaawa na kasi ate gamit nila yung container ng mineral water na walang laman may maisalba lang. Bumili ka na lang muna ng Vios malakas din naman aircon nun’.

Sana kapag humarap ka sa salamin mamayang gabi maisipan mo din sana na ibenta muna yang mga alahas na suot mo at mga nakatago pa diyan sa drawer mo. Sangla muna natin sa M.Lhuillier tapos wag mo na tubosin.  Ok kung magpa- soup kitchen  tayo sa mga eskwelahan, simbahan at basketball court kung saan madaming bata at may edad ang giniginaw na sa gutom. Bilhan na lang kita ng Uni-Silver para may magamit ka.

Madami pa ate hindi pa tayo tapos . Naalala mo ba yung mga high-end na designer bags and shoes mo na binili mo dyan sa L.A. na nakalagay sa loob ng malaking cabinet mo, benta na lang din natin yan sa Sulito Ayos Dito. Magtira ka na lang ng dalawa o tatlong pares total hindi mo naman kaya isuot yan ng sabay-sabay. Pag may okasyon kang pupuntahan bili na lang tayo sa Natasha o Parisian matibay pa yun Ate mura at gawang marikina pa. Naktulong pa tayo sa mga tao sa Marikina. Ang hilig mo kasi sa mga mahal hindi mo  naman yan madadala sa hukay.

Pagkabenta natin diretso na tayo ng Puregold mag grocery tayo ng hawak kamay. Pakyawin natin lahat ng noodles, delata, gatas, tinapay at lahat ng pagkain na hindi madaling masira. Gusto ng mga bata yung pansit canton na may Krak-krak, damihan natin yun para makapagpasaya tayo ng mga bata sa evacuation. Tapos utusan natin yang mga high-end friends mo na mag repack ng mga relief goods ng may pakinabang naman sila sa mundo at hindi puro kaartehan ang alam.

Balita ko pa ate pumunta pa ang Spandau Ballet sa debut mo noon. Bakit hindi natin sila papuntahin sa Maynila para mag perform pagkatapos ng bagyo at pasayahin ang mga tao sa mga evacuation area para kahit sandali maibsan nila ang pait ng buhay.

Oo nga pala ate ang dami mong mga celebrity friends sa Amerika bakit hindi mo tawagan at sabihan na magdonate dito sa Pilipinas. Di ba close kayo ni Justin Bieber at Justin Timberlake na yan, bakit di mo kausapin at humingi ka ng tulong para sa ating mga kababayan.

Pero Ate arang awa mo na wag mo padadaanin ang pera  na nalikom natin para donation sa bagyo diyan sa mommy mo, ipaderetso na natin sa Sagip Kapamilya para mga kababayan natin ang talagang makinabang. Mahirap na baka may 30% 70% pa na maganap.

Alam mo kapag ginawa mo lahat ng sinabi ko ate, sasaya ang mundo at madami matutuwa sa iyo. O siya mag FB pa ako dito sa Pisonet at makikibalita sa mga kaganapan dito sa Pilipinas. Sana magnilay-nilay ka na at kutkutin yang isipan mo sa mga nangyayari sa amin dito sa Pilipinas. Paalam.

nagmamahal,

ryanthemannapoles 2

 
Leave a comment

Posted by on August 21, 2013 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: